top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Yulo, nangakong babawi sa Paris 2024 Olympics

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2021
2 min read

ni MC / Gerard Arce - @Sports | August 04, 2021



Nangako si artistic gymnasts Caloy Yulo na babawi ito sa susunod na Olympics at hindi titigil hanggang makuha ang inaasam na gintong medalya sa Summer Games. "Hindi po ako susuko," ani Yulo nang magtapos na 4th place sa men's vault finals kung saan kinapos ito ng ilang puntos para makatapak sa podium. Hindi inaasahan ng Philippine officials na mabobokya sa medalya si Yulo sa pagsabak nito sa Olympics lalo pa siya ang reigning world champion sa floor exercise at dalawang taon pa na tuloy-tuloy na nag-ensayo sa Japan.


Pero dahil sa matamlay na performance nito sa qualifying phase ay hindi ito nakapasok sa finals ng paborito niyang floor exercise event dahilan para mawala ang tsansa nito na magkamedalya. Nagpakita naman ito ng magandang laban sa finals ng men’s vault at umiskor ng 14.716 na kapos lang ng 0.17 para makapasok sa bronze medal.


"Sobrang lapit ko na po, pero hindi ko pa naabot," ayon sa Manila-born gymnast. "Nakakapang-hinayang din po kasi ang ganda po ng practice ko tapos pagdating po dito, naging ganoon." "May chance din po sana akong makakuha ng medal if hindi po ako lumagpas sa linya," wika nito. "Kasi ang ganda po ng second vault ko eh, sa first vault lang po ako nagkamali."


Naka-base si Yulo sa Japan ng halos limang taon at hindi nito nakikita ang pamilya sa Pilipinas simula ng lumaban ito sa 2019 SEAG. Gusto niya sanang umuwi ng Pilipinas pero hindi pa umano puwede dahil sasabak umano siya sa kompetisyon sa susunod na buwan sa Japan tournament. "Gusto ko na nga pong umuwi, gusto ko na nga pong bumawi. Gusto kong magpalakas," dagdag nito. "Pero hindi po muna ako makakauwi sa Pilipinas dahil may competition po ako next month." Naniniwala naman si Yulo na pansamantala lang ang kanyang pagkabigo para sa layunin nitong kumuha ng medalya sa Olympic. "Feeling ko po may igagaling pa ako. Next target ko po ang Paris 2024. Pero next time po, di po ako sasali na para makalaro lang, kailangan sa pagbalik ko magka-medal na ako. Hindi po ako susuko," pangako nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page