YT vlogs, bentang-benta… MAHAL AT MYGZ, MALA-ALDUB SA LAKAS SA FANS
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 4, 2021

Hindi namin lubos na mapaniwalaan na kahit patay na si Mahal, grabe pa rin ang suporta at pag-idolo ng MaMygz fans sa kanilang tambalan ni Mygz Molino.
Maraming OFWs sa iba't ibang panig ng mundo ang hanggang ngayon ay all-out sa kanilang paghanga at suporta sa tambalang MaMygz. Paulit-ulit nilang pinanonood sa YouTube ang mga vlogs na ginawa noon ng dalawa. Tuwang-tuwa sila sa pagkukulitan ng MaMygz.
Mistulang AlDub tandem ang dating ng MaMygz sa kanilang mga diehard fans. Updated sila sa mga kaganapan sa buhay ni Mygz Molino. Ipinagtatanggol nila ang BF ni Mahal sa mga bashers.
At may kani-kanyang chapter ang mga certified MaMygz fans, ha?
Ang nakakatuwa, kapag birthday ng bawat miyembro ng MaMygz tandem, pinadadalhan nila ito ng regalo. Sila-sila mismo ang nag-aambagan para sa regalo na ibinibigay sa kasamahang MaMygz fanatic.
At dahil balak din ni Mygz Molino na mag-fulltime sa kanyang showbiz career, all-out din ang ibibigay na suporta ng MaMygz.
Well, hindi namin lubos na maintindihan kung bakit ganu'n kalakas ang suporta ng mga tagahanga sa MaMygz tandem. And to think na patay na nga si Mahal at solo na lang ngayon si Mygz Molino.
Maraming nakikisimpatya at nagtatanggol kay Mygz. Hindi sila naniniwala sa mga nagsasabing ginagamit lang niya si Mahal para sa kanyang showbiz career.
Sa kabila ng paninira sa kanya, plano ni Mygz Molino na ipagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan katulad ng ginawa nila sa BFF ni Mahal na si Mura!





Comments