top of page
Search
  • BULGAR

Yorme Isko, paulit-ulit, lusot… BUBOY, NAGMURA RAW SA EB!, INIREKLAMO

ni Nitz Miralles @Bida | August 20, 2023



Puntirya na naman pala ng reklamo ng non-fans ng Eat… Bulaga! si Buboy Villar dahil akala ay nagmura ito sa isang episode ng EB! nang banggitin ang salitang “Butangi”.


Hindi malinaw ang pagkakasabi ni Buboy sa word na ‘yun at ang dinig ng mga nagreklamo ay bad word ang salitang ‘yun.


Visayan word ang “Butangi” at ginagamit ng mga Waray na ang ibig sabihin ay "Lagyan”.


Sinasabi rin ito ni Isko Moreno kapag pinabibigyan ng pera ang mga tutulungan nila sa segment ng show na G sa Gedli.


Nagtataka ang mga viewers ng EB! kung bakit si Buboy lang ang na-call ang attention, eh, araw-araw ding sinasabi ni Isko ang “Butangi” at paulit-ulit pa nga. Dahil ba ito sa may mga isyu na kay Buboy?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page