top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Yes, Popsters! IBINUKING NI BAYANI: MATTEO, 'DI LANG SI SARAH ANG MAHAL

BULGAR
Mar 15, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 15, 2022




Ang saya-saya at parang nagkukuwentuhan lang sa kusina ng kanilang bahay ang mga Judge Detectives ng nagbabalik na Masked Singer Pilipinas para sa Season 2 nito, na magsisimula sa Sabado (March 19), sa ginanap na Zoom mediacon kahapon.


Para na ngang isang pamilya ang mga Judge Detectives sa pangunguna ni Mr. Aga Muhlach kasama sina Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina, nadagdagan pa ang saya nila sa pagpasok ng magaling na comedian-host na si Bayani Agbayani.


Winelkam naman with open arms ng mga Judge Detectives together with Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford si Yani bilang newest addition sa kanilang masayang pamilya at aminado silang mas naging masaya ngayon sa pagpasok nito.


Maging si BFF Bayani ay puring-puri ang mga co-Judge Detectives niya, lalo na sina Aga at Matteo.


Nagkasama na sina Aga at Bayani sa sitcom noon na Ok Fine, Whatever at this year, kung 'di na raw busy si Yani, sabi ni Aga ay puwede nang gawin ang plano nilang reunion sa sitcom ng TV5.


Si Matteo naman ay ngayon lang nakasama ni Yani sa show at puring-puri rin niya ang mister ni Sarah Geronimo.


Sabi ni BFF Yani sa panayam namin sa kanya kahapon, "Ako rin, nagulat ako kay Matteo, hindi ko alam na ganu'n pala talaga ang ugali niya. Akala ko talaga, si Sarah lang talaga ang mahal niya sa buhay pero, nu'ng nakita ko 'yung totoong Matteo, sabi ko, 'Idol 'to.' Ito pala talaga ang da best."


Ipinalinaw kay Yani ang sinabing "akala niya ay si Sarah lang talaga ang mahal ni Matteo".


Paliwanag naman ng komedyante, "Lahat sila, mahal niya ang buong pamilya ni Sarah, hindi lang si Sarah, buong pamilya. Kasi ang lalaki, dapat ganu'n, eh, mahal mo ang buong pamilya ng asawa mo. Ganu'n pala si Matteo."


Natuklasan pa raw ni Yani nang makatrabaho niya si Matteo, "Kaya pala minahal 'to ni Sarah dahil napakabait na lalaki, napakatapat na asawa at 'pag nagtrabaho, talagang hindi pa kami nag-uuwian, umuwi na siya, eh. Kasi gusto na niyang makita si Sarah."


Dahil sa sinabi ni Yani na mahal ni Matteo ang pamilya ni Sarah, napaisip tuloy kami kung nagkaroon na ba ng reconciliation sa pagitan ng dalawang kampo.


Sinubukan naming tanungin sana si Matteo pero paiwas na sabi nito, "Medyo choppy ka, Janice, medyo choppy ka."


Hahaha! Mukhang 'di pa handang magkuwento si Matteo, ha? Pero for sure, ikatutuwa ng mga Popsters at AshMatt fans kung magkakabati na nga talaga si Matteo at ang pamilya ni Sarah, 'di ba?


Anyway, gusto sana naming mapanood si Sarah na maging contestant sa Masked Singer Pilipinas Season 2 at i-surprise si Matteo, pero mukhang ayaw ni mister na mahirapan si misis sa pagsusuot na mainit na costume, ha?


Pero tingnan pa rin natin, beke nemen, 'di ba, lalo't Viva artist din si Sarah.


So, abangan na lang natin ang pagsisimula ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado na mapapanood nang 5:30 PM. Pero sa mga susunod na Sabado, 6 PM na ang airing nito sa TV5.


Ang Masked Singer Pilipinas ay isang collaboration sa pagitan ng TV5, Viva, at Cignal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page