TF NI KRIS, MAS MAHAL DAW ‘PAG HORROR O COMEDY MOVIE ANG GAGAWIN

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 1, 2026

Photo: IG _rcchanco
Handa nang bumalik sa pelikula at telebisyon si Kris Aquino, pero ‘yun ay depende sa budget na iaalok sa kanya.
Kapag daw horror movie ang genre ay mahal ang talent fee (TF), ganoon din ‘pag comedy movie.
Sa telebisyon ay mahal ang TF niya kapag reality show ang kanyang gagawin.
Well, sa ngayon ay endorsements pa lang ang kanyang tinatanggap.
Ngayong Oktubre ay malaki ang kanyang gagawing promo para sa isang online shopping platform. Bale tatlong live selling ang kanyang gagawin na naka-schedule ng October 10 (10-10), November 10 (11-11) at December 12 (12-12). Tiyak na milyones ang kanyang TF dito.
May magkahiwalay din silang endorsements ni Bimby.
Ang mga endorsements ang nagpapabalik ng sigla ni Kris upang makayanan ang kanyang autoimmune disease. Nagpapasalamat siya sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang paggaling.
BF, kaya 9 mos. lang, hiwalay na agad…
BELA, PALABAN AT ‘DI RAW PATATALO SA LALAKI
Marami ang nagulat at nalungkot sa inamin ni Bela Padilla na single na naman siya ngayon matapos lang ang 9 na buwang relasyon nila ng tech CEO na si Martin Tan.
Nagtataka at nagtatanong ang ilang fans ni Bela kung bakit agad silang nauwi sa hiwalayan gayung kamakailan lang sila umamin ng kanilang relasyon at parang ang sweet-sweet pa nila.
May espekulasyon naman ang ilang showbiz insiders kung bakit nahihirapan si Bela na makatagpo ng tamang lalaki para sa kanya. Masyado raw kasing malakas ang personalidad ng aktres at parang ang tipo niya ang hindi magpapasakop sa lalaki.
Napaka-independent woman nito, smart at mukhang hindi magpapatalo sa isang argumento.
Kaya siguro raw, madaling naramdaman nina Bela at Martin na hindi sila compatible sa isa’t isa at mas pinili na lang na magkani-kanya ng landas.
Well, hindi man suwerte si Bela sa love life, at least sa career ay mapalad siya dahil patuloy pa ring nabibigyan ng magagandang roles sa TV at pelikula.
Kamakailan lang ay nagsama sila ni Diamond Star Maricel Soriano sa Life After You. Parehong malakas ang kanilang personality kaya nagkasundo sila.





Comments