Sa 25 na iba pang kalabang beauty queens… SHUVEE AT SANYA, PABORITO RAW NI CHAVIT

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 1, 2026

Photo: File / Chavit Singson, Sanya Lopez at Shuvee Etrata / FB / IG
Bonggang-bongga ang pagrampa ni Shuvee Etrata sa ginanap na mediacon ng pelikulang Red Crown (RC).
Isa siya sa mga contestants sa beauty pageant na Queen of the Islands, at siya ay ‘Queen of Cebu’ na makikipaglaban upang magkamit ng gantimpalang P24 million cash.
Kamakailan, si Shuvee ay tumanggap ng People’s Choice special award at mukhang malakas nga ang laban niya.
Samantala, balitang sila raw ni Sanya Lopez ang paborito ni Manong Chavit Singson among the 25 candidates for Queen of the Islands.
Well, must-watch ang movie na RC para sa mga aspiring beauty queens dahil marami silang tips na matututunan.
May special participation din sa movie ang Ms. World 2nd Princess na si Ruffa Gutierrez.
Ang Red Crown ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata at joint venture ng GMA Pictures at ni Manong Chavit.





Comments