Gamit ang ‘clean money’ niya… ANNE, MAY BAGONG 4-STOREY BUILDING SA KYUSI

ni Julie Bonifacio @Winner | October 1, 2026

Photo: FB Anne Curtis
Nagpapatayo si Anne Curtis ng bagong building sa Kyusi. Ongoing ang construction ng four-storey building.
Itinuro ng aming source kung saan ang ipinapatayong building ni Anne. Sure ang source namin na kay Anne ang building na ‘yun dahil madalas daw makita ang It’s Showtime (IS) host para mag-inspect.
Tsika pa ng aming source, plano raw itong gawing opisina ng aktres.
Maaaring parerentahan ni Anne ang building niya bilang office and studio. Ganyan ang karamihang business sa Kyusi dahil malapit sa TV networks at iba pa.
Puwede rin daw maglagay ng sariling opisina at studio si Anne pati na ang mister niyang si Erwan Heussaff para sa kanyang content sa YouTube (YT) at iba pang streaming platforms.
Isa na namang additional real-estate investment sa Pilipinas ang naipundar ni Anne. And take note, sa Pilipinas pa lang ‘yan, ha?
For sure, meron pang real-estate properties si Anne sa Australia bukod sa bahay nila ni Erwan at isa pa para sa kanyang ina and half-siblings.
Kaya naman parampa-rampa na lang si Anne around the world. Sobrang nakapag-save na siya for her future, kaya keri niyang bumili ng kahit ano with her own clean money.
‘Lam na this!
Proud na proud sa business nila ng mister…
DIMPLES, MAY 2ND BRANCH NA NG GAS STATION
Nagbukas naman ng bagong gasoline station si Dimples Romana kasama ang mister niyang si Boyet Ahmee last Tuesday, September 29.
Proud na ipinost ni Dimples ang video na naglalaman ng kaganapan sa bonggang opening ng bago nilang business sa Taguig.
Ang bagong bukas na gasoline station ni Dimples ay ang ikalawang branch na nila ni Boyet. Makikita sa video ang naganap na ribbon cutting, pagbe-bless ng pari sa bawat area ng gasoline station at ang pagsuot ng mag-asawa ng staff uniform.
Naging emosyonal din ang mag-asawa and at the same time, thankful sila sa patuloy na pagpapalawak ng kanilang mga pinagkakakitaan.
Caption ni Dimples, “And we are OFFICIALLY OPEN! (God is good).
“Yesterday after doing the news, papaboyetonline and I went straight to the GRAND OPENING of our Kalayaan BGC Branch now all set to serve you!!!
“EDSA Guadalupe Northbound Branch serving daily too.
“See you around! And if you ever gas up in any of the two, please feel free to tag us, we’d love to see!
“@papaboyetonline hi, cheers to filling our love tank to the brim. (pun intended) to the brim.”
Congratulations, Dimps!





Comments