top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Yes, ganern, Xian… KIM, PUMAYAG MAGBUYANGYANG DAHIL SOSYAL ANG ENDORSEMENT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | March 12, 2021





Pinainit ni Kim Chiu ang mga netizens dahil sa video niya na nakasuot ng swimwear para sa isang international clothing brand.


Ang tinutukoy namin ay ang video ni Kim as endorser ng H&M swimwear na in-upload ng It's Showtime host sa kanyang social media accounts.


Hindi lang nagsuot ng one-piece swimwear si Kim sa video kundi nag-two-piece bikini rin siya.


"OMG, NAPAKAINIT NA SA 'PINAS DAHIL SA IYO, KIMMY," comment ng netizen sa kanyang video sa YouTube.


Unang in-upload ni Kim sa kanyang YouTube channel ang one-minute video para sa bago niyang endorsement ng H&M.


Eto naman ang caption ni Kim sa kanyang IG post ng mga larawan niyang kuha sa video shoot, "THIS IS IT! I still can’t believe it! Everything now is so surreal!! Shot this weeks ago, and here it is. I am very happy and excited about a partnership out of love for fashion, and desire to be able to empower my fellow Filipinas and who else to better collaborate with on this, than H&M."


Dumating pala sa opisina ng Star Magic ang alok kay Kim from H&M.


"They reached out to my management," pahayag ni Kim. "Very timely, kasi nahihilig din ako sa swimwear especially when we went to Boracay last year. Even sa Showtime, ginagamit ko swimwear as part of my OOTD."


Two weeks ago raw nangyari ang pictorial niya for H&M para sa kanilang Tropical Essentials campaign this year.


Patuloy ang dating ng project kay Kim. Walang duda na siya na talaga ang "Reyna ng Pandemya."


Ibig naming sabihin, siya ang may pinakamaraming proyekto na ginawa during covid-19 pandemic. At ang taray ni Kim dahil isang international clothing brand pa ang kanyang ine-endorse.


"Honestly, hindi ako makapaniwala nu'ng una, medyo hesitant pa 'ko nu'n tanggapin kasi I’ve always been so insecure about my body. But knowing na H&M is trusted brand globally ng clothing and swimwear, naisip ko, why not?"


Happy si Kim dahil sa kabila ng mga nangyari sa kanya last year, ang dami pa rin daw nagbukas na opportunities and blessings sa kanya. Hindi raw niya akalaing darating ang mga 'yun sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page