Yes, ganern, Janno!.. KITKAT, NATSUGI SA NET25, JOIN NA SA IT'S SHOWTIME
- BULGAR
- Apr 17, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | April 17, 2021

Back on noontime show ang komedyana at TV host na si Kitkat Favia. But this time, as a special guest sa Hide & Sing portion ng It's Showtime sa A2Z channel last Thursday.
Sangkot si Kitkat sa isa sa mga malalaking isyu sa entertainment world early this year. Ito'y dahil sa kontrobersiyang sumabog between her and Janno Gibbs na naging dahilan ng pagkawala nila pareho as hosts ng noontime show sa Net25 na Happy Time.
Moving forward, obvious ang excitement and happiness ni Kitkat pagkatapos siyang ipakilala at i-welcome ng It's Showtime hosts.
"I'm so happy to be here! Hay," sigaw ni Kitkat.
Sa pilian portion ng It's Showtime hosts kung sino sa taong Tago-Singer ang celebrity, pinili ni Vice Ganda ang number three.
"Favorite ito ni Kitkat na singer," say ni Vice.
Mabilis na nag-react at tinanong si Vice nina Kim Chiu, Karylle, Jugs, Teddy, Vhong Navarro at Amy Perez kung sino ang tinutukoy niya na fave singer ni Kitkat.
"Ang initial (letter) niya, J," sagot ni Vice.
Biglang natawa si Kitkat.
"Baka batuhin ako. Baka mabato ako," lahad ng komedyana.
Matatandaan na may tsika na binato diumano ni Janno ng mic si Kitkat.
Hirit naman ni Karylle, "Si Jaya. Taga-SOP. Si Jaya!"
"Lalaking Jaya. Si Jayo," sabay tawa ni Vice.
Tawang-tawa ulit si Kitkat sa joke ni Vice.
"Paborito ko 'yan," sigaw ulit ni Kitkat.
Winner naman si Kitkat sa pinili niya na number two Tago Singer celebrity na si Lou Bonnevie.
May nag-post ng comment sa YT channel ng It's Showtime na bagay daw si Kitkat sa Kapamilya noontime show.
Maraming netizens ang nagpahayag ng pagka-miss na mapanood nang live ang It's Showtime.
"I love you Showtime. I miss you."
"Wow I miss going to show like this!!!"
Live na ulit na mapapanood ang It's Showtime pagkatapos ng dalawang linggo na sumailalim ang NCR Plus sa lockdown.
Hopefully, magtuluy-tuloy na ang live na paghahatid-saya ng It's Showtime sa madlang pipol. Kaya asahan ang masayang selebrasyon ng birthday ni Kim sa It's Showtime on April 19, Monday.





Comments