Yes, ganern, Gerald!... "THE FACE OF GHOSTING IN THE PHILS." TAWAG NINA ANGEL AT NEIL KAY BEA
- BULGAR

- Oct 31, 2020
- 3 min read
Julie Bonifacio - @Winner | October 31, 2020

"The Face of Ghosting in the Philippines" ang tawag nina Angel Locsin at Neil Arce sa close friend nila na si Bea Alonzo sa kanilang The Angel and Neil Channel sa YouTube kahapon.
Of course, knows ninyo na kung bakit, 'di ba?
Sabi ni Bea, "'Di ba ako ang Ambassador of Ghosting? Hahaha!"
Resident ghostbuster, ghosting expert, anything about ghosting ay idinikit na yata kay Bea.
At sa YT channel nina Angel at Neil, who could be their best resource person para magbigay ng tips kapag na-ghosting ng karelasyon, eh, di none other than Bea, 'di ba?
"Nakakatuwa," simula ni Bea. "Alam mo, I can't believe na after a year, pagtatawanan na lang natin nang ganito."
Yes, Jans! It's been a year na since the controversial ghosting na ginawa sa kanya ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson pagkatapos maugnay ng aktor kay Julia Barretto.
Nagbigay ng reaksiyon si Bea sa mga nakuhang tips ng magdyowa sa social media on how to move on sa ghosting.
Ilan sa mga tips ay ang pagpo-post on social media after ma-ghosting.
"Magpo-post ka dapat sa social media hindi para i-view niya kundi para sa sarili mo. Kasi (kapag nag-post about your ex), iniisip mo pa rin siya. Ibig sabihin, hindi mo binibigyan ng room ang sarili mo to move on. Nabubuhay ka pa rin para sa kanya," payo ni Bea.
Inayunan naman ni Bea ang tip na huwag sisihin ang sarili kapag na-ghosting.
"Tama 'yang tip na 'yan," pagsang-ayon ni Bea. "Ako, I had to learn the hard way and it took me ilang months bago ko na-realize 'yan. Saka, nandoon kayong lahat. Ibig sabihin, nandu'n 'yung mga kaibigan ko to make me realized that. Dadagdagan ko 'yan na, do not blame yourself and also surround yourself with people who will empower you."
May konek din daw 'yan sa hindi nabigyan ng chance na makapag-prepare 'yung ghinosting nu'ng partner.
"Hindi ka kasi nabigyan ng pagkakataong marinig kung ano 'yung naging mali mo o kung ano 'yung naging mali nu'ng relasyon, kung bakit puwedeng i-drop nang ganu'n. Kasi, the mere fact na dinrop 'yung relasyon, parang ibig sabihin, hindi nagma-matter. So, parang pakiramdam mo, hindi ka nagma-matter. Wala ka namang kabatuhan. Kasi, wala ka namang sisisihin kundi sarili mo lang. Ikaw na lang 'yung nasa relasyon, eh."
Naniniwala naman si Bea na dapat bigyan ng chance nu'ng na-ghosting na kausapin siya ng karelasyon niya. Sa pamamagitan nito, puwede silang magkaroon ng closure.
"I think closure is over rated. But, having the respect to talk to another person for a breakup, I think, 'yun ang pinakaimportante, sabihin mo naman kung makikipag-break," sabay tawa ni Bea.
Super-tanggi naman si Bea sa next tip on how to move on from ghosting na sugurin daw sa bahay ang nang-ghosting sa 'yo.
"Ay, naku! Hindi! Napaka-cheap nu'n. Oh, my God! Nakakahiya 'yun. Bigyan mo ng respeto ang sarili ninyo."
Hirit pa ni Bea, "Kapag nagpunta siya sa bahay ninyo, huwag ninyong papasukin. Magdala kayo ng hanger (sabay hampas niya ng hawak na hanger)."
At sa huli, nagbigay pa ng message si Bea about ghosting.
"'Yung ghosting, eto ngayon, masasabi ko na that I've already moved on. Baka may kasama 'yung pride, eh. Kasi, bakit ginawa 'yun sa 'yo, 'di ba? Parang, bakit ikaw?
"Maniwala kayo na pagtatawanan n'yo na lang 'to balang-araw. Work on yourself. Take it one day at a time because one day will come na talagang pagtatawanan ninyo and you will look back. And, parang sasabihin mo 'Napakatanga at napaka-ridiculous ko nu'ng panahon na 'yun at hindi ko na ulit pagdaraanan 'yun,'" diin pa ni Bea.
Naaliw naman kami sa pa-game na 'trick or treat' ng magdyowa kay Bea. May male celebs ang pagpipilian ni Bea kung iti-treat or iti-trick niya.
Una, si Pasig Mayor Vico Sotto.
"Iti-treat natin 'yan kasi ang ganda-ganda ng ginagawa niya sa community."
Sunod ang Kapuso star na si Alden Richards na iti-treat daw niya. Third, ang ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo.
"Iti-trick ko 'yan kasi, masaya kasama 'yan."
Pareho namang iti-trick and treat daw niya si John Lloyd Cruz, sabay bawi na iti-treat daw niya si Lloydie.
Ang sweet naman ng smile ni Bea nu'ng banggitin ang name ng natsitsismis na boyfriend niya ngayon na si Dominic Roque.
"Iti-treat ko rin si Dom. Sobrang bait niya sa akin."
'Kaaliw naman si Angel nu'ng pabitin niyang banggitin ang pangalang 'Gerald.'
Sa una ay matamlay ang mukha ni Bea. Pero nu'ng sinundan ni Angel ng apelyido na 'Napoles', super-lakas ng tawa ni Bea.
"Hahahaha!!! Jerald Napoles, iti-treat kita!"
O, 'di ba?





Comments