Yes, Ellen!... LIZ, UMAMING TRUE LOVE NIYA SI JOHN LLOYD

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 1, 2020

Dahil engaged na ang sikat na fashion stylist na si Liz Uy, hindi maiwasang mapag-usapan pa rin ang love story nila noon ng aktor na si John Lloyd Cruz.
Sa isang recent interview, sinabi ni Liz kung gaano kaespesyal ang relasyon nila noon ng aktor.
Nainterbyu ni G3 San Diego si Liz sa YouTube Live.
Naging stylist si Liz ng mga sikat na artista tulad nina Kris Aquino, Anne Curtis, Bea Alonzo, Maine Mendoza, Marian Rivera at marami pang iba.
Biro tuloy sa kanya ni G3, 'di raw kaya naging daan ang kanyang pagiging stylist kaya nagtagpo sila ni John Lloyd at ‘dyinowa' siya?
“Baka rin. Baka rin naman. Nakatulong din 'yun,” pabirong sagot naman ni Liz.
Pero, agad naman siyang kumambiyo, “True love naman 'yun. Hindi naman 'yung dyinowa lang.”
Tinanong din kung ilang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.
“Sabi ko, two, sabi niya, three. So, hindi ko na rin maalala.”
Bakit ba sila naghiwalay?
“I think differences, siyempre. ‘Cause we were young,” sey ni Liz.





Comments