top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

YASSI, NAGPAPAHAWAK NG HITA SA 'DI BF, TINAWAG NA CHEAP NG MGA NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 5, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 5, 2023



Pinagpipiyestahan na naman ng mga Marisol sa social media ang rumored couple na sina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuerte nang maispatang magkasama silang nanonood ng FIBA Game kamakailan.


Habang naghihiyawan ang mga audience sa panonood ay biglang bumulaga sa TV screen ang dalawang personalidad na diumano’y magkaibigan lang, pero obyus na obyus naman na nakapatong ang kamay ni Gov. Luigi sa hita ni Yassi.


Kaya, umani ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.


“Ugh! Kung saan-saan na naman nakapatong ang kamay ni guy.”


“Naligaw na naman ‘yung kamay ni Gov. Luigi, todo-deny pa si Yassi, nagmumukha tuloy siyang cheap.”


“It means, malalim na ang pinagsamahan nila. Ibang level na, kumbaga.”


“In English, ‘very deep’ ang pinagsamahan.”


“Todo-bakod si guy.”


Opinyon naman ng isang guy commenter, “I’m a guy, and du’n pa lang sa una nilang pic, nu’ng nakahawak sa inner part ng hita, tapos alam na pipiktyuran, it’s a freaking red flag already.”


“First pic, alam na kung nasaan na naman ‘yung kamay.”


“I don’t know, but it kinda makes Yassi look cheap.”


“Hinihintay ko na ‘yung mga defenders dito na friends lang daw sila at getting to know each other.


Na okay lang daw hawakan sa legs kahit friends pa lang kasi 2023 na.”


Nang natapos na ang game, may isang video uli na kumalat sa socmed kung saan makikita namang magka-holding hands sina Yassi at Gov. Luigi habang papalabas sa venue.


“Friends, pero HHWW (holding hands while walking). Echosera!”


“Clearly, they are enjoying the publicity!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page