YASMIEN, UMAMING PINAG-AWAY SILA NI NADINE NI LOLIT
- BULGAR
- Aug 27, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 27, 2023

Naaliw kami sa rebelasyon ni Yasmien Kurdi na isa raw si Lolit Solis sa mga gumawa ng issue noon para mag-away sila ni Nadine Samonte.
Parehong produkto ng StarStruck Season 1 sina Nadine at Yasmien at noong panahon nga ng kasikatan nila ay nagkaroon sila ng rivalry na sila talaga ang parating pinagsasabong.
Sey ni Yasmien sa digital mediacon ng bagong serye niya sa GMA-7 na The Missing Husband kung saan ay kasama niya rin si Nadine, “Sina Kuya Rommel Gacho at Nanay Lolit Solis, sila talaga, sila ‘yung gagawa-gawa ng issue sa aming dalawa para magtalu-talo kaming lahat sa set.”
Patuloy niya, “Sasabihin ni 'Nay Lolit, ‘Uy, alam mo ba, sinabi ni ganito na ganito ka raw.’ Tapos, sasabihin naman niya ru’n sa isa, ‘Uy, alam mo ba, ganito, ganyan?’ Siyempre, mga bagets kami nu’n, so mag-aaway-away kami ngayon. ‘Yan ‘yung nangyari.”
‘Yan nga raw ang naging isa sa mga challenges sa kanila that time. Kung mapagpaniwala sila sa sabi-sabi, talaga raw madali silang magkakaroon ng gulo or hindi pagkakaintindihan.
Kaya sa tagal nila sa showbiz, natutunan na nilang hindi agad-agad maniwala sa sabi-sabi at tiyakin muna kung talagang totoo o hindi ang nakarating sa kanila.
Sabi naman ni Nadine na muling nagbabalik sa pag-arte via The Missing Husband after more than 10 years of hiatus, never talaga silang nagkaroon ng away ni Yasmien at ‘yung mga tao lang daw sa paligid ang nang-iintriga sa kanila.
Ngayon nga ay parehong happy na ang dalawang aktres sa kanilang married life at may kani-kanya nang pamilya.
Pero agad na pahabol ni Yasmien, “Pero love ko si 'Nay Lolit, ha, saka love ko si Kuya Rommel Gacho.”
Anyway, mula sa direksiyon ni Mark Reyes, kasama rin sa The Missing Husband sina Rocco Nacino, Jak Roberto, Sophie Albert, Joross Gamboa, at marami pang iba.





Comments