top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

YASMIEN, NABIKTIMA NG CONTRACTOR, KISAME, BUMAGSAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 23, 2023


Kakaiba pero napapanahon ang kuwento ng bagong seryeng The Missing Husband na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Sophie Albert, Mark Herras at iba pa. Ito ay mula sa direksiyon ni Mark Reyes.


Tatalakayin sa The Missing Husband ang isyu ng scamming, kung saan marami ang nabibiktima ng mga manlolokong scammers. At dito magiging masalimuot ang buhay ng mag-asawang Yasmien at Rocco.


In real life, hindi pa naman daw na-scam si Yasmien kundi naloko lang ng isang contractor sa dati nilang bahay na ipinagawa. Maayos silang nagbayad sa contractor, pero maraming palpak at bumagsak ang kisame ng bahay at kung anu-ano pa.


Matapos ng nangyari ay ayaw na silang balikan ng contractor upang ayusin ang mga nasira, kaya napilitan silang magpa-renovate ng bahay nila sa Alabang.


Kaya ang payo ni Yasmien sa mga nagbabalak na magpatayo ng bahay ay mag-ingat sa pagkuha ng contractor dahil baka maloko rin sila.


Samantala, gusto nang kunin ni Yasmien ang kanyang ina na nakatira sa QC area dahil ayaw na nitong makitira sa kanya. Ibinili ni Yasmien ng sariling bahay na malapit sa kanya ang mommy niya.


Nagkasakit sa kidney ang kanyang ina at kalalabas lang sa ospital. Gusto ni Yasmien na maalagaan ang kanyang mommy upang makasama na nito sa bagong bahay niya ang kanyang lola na 80 years old na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page