XIAN, MAY BAGONG SHOW SA GMA-7 KAPALIT NG SERYE NILA NI JENNYLYN
- BULGAR
- Oct 6, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 06, 2021

Nahinto man pansamantala ang teyping ng seryeng Love. Die. Repeat. na unang project ni Xian Lim sa GMA Network, walang dapat ipag-alala ang aktor dahil may kapalit naman ito.
Ayon sa isang insider, bibigyan ng bagong show si Xian habang waiting siya sa availability ni Jennylyn Mercado na leading lady niya sa LDR.
Hindi mababakante si Xian at tiyak na bukod sa serye ay bibigyan pa siya ng mga guestings sa ibang shows ng Kapuso Network.
So far, wala namang negative comments-reaction mula sa kampo ni Xian Lim nang malaman na temporary shelved ang Love. Die. Repeat. Wala namang dapat sisihin sa nangyari. At ayaw niyang ma-pressure at ma-stressed ang kanyang leading lady na si Jennylyn.
Sabi nga, kung ang GMA Network ay willing to wait sa Ultimate Star, ganu'n din naman si Xian. Nanghihinayang lang siya na naudlot ang momentum nila sa Love. Die. Repeat.





Comments