top of page

XIAN, GINAWANG TAGABITBIT NG IPINAG-SHOPPING NI KIM

  • Vinia Vivar
  • Apr 19, 2022
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 19, 2022


ree

Sobrang thankful si Kim Chiu sa boyfriend na si Xian Lim dahil sa pasensiya at pang-unawang ibinibigay nito sa kanya. Aniya sa kanyang Instagram, feeling lucky siya sa aktor.


“Thank you sa pagsakay mo sa lahat ng trip ko gawin kahit pagod ka na. For all the patience especially shopping!!!! You always tell me, 'Sige lang, don’t worry about me.' Thank you Xi!!! Feeling lucky,” ang post ni Chinita Princess.


Tila sinagot naman ni Xian ang post ni Kim. Sa kanyang IG Story, aniya, “Hitsura ko diyan sinasabi, ‘Lahat ng trip mo, sasakyan ko kasi doon ka masaya.'”


Sa isang IG Story pa ni Xian na makikita ang series of photos na binubuhat niya ang mga shopping bags ng pinamili ni Kim, the actor wrote, “Nag-polo pa ako. Mukha akong fashionistang PSG mo, ah.”


Pero kinilig nang bonggang-bongga ang kanilang mga fans dahil nga sa sweetness ni Xian sa kanyang GF.


Kagagaling lang ng lovebirds sa bakasyon sa Thailand at makikita naman sa mga posts nila na nag-enjoy talaga sila.


Well, ever since naman ay happy talaga sila every time na magkasama. Pero mukhang bigo pa rin ang mga KimXi fans sa kanilang pinakaaabangang proposal ni Xi kay Kim. Instead, ang na-engaged nga ay si Maja Salvador sa kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez habang nagbabakasyon sila sa Palawan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page