top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | September 25, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Kim Chiu / IG



Burado na raw ang mahabang litanya ni Kim Chiu tungkol kay Senador Rodante Marcoleta kaya’t nagtataka ang marami kung natakot daw ba ang aktres-host o

may nagpayo lang dito na burahin ito?


Marami kasi ang naniniwala na may point naman ang hanash ni Kim lalo’t sa tingin niya ay laging pinaiiral ng senador ang galit kaya’t napupulaan umano ang pagiging “biased” nito sa ginagawang hearing sa Senado. 


Pinuri rin ng marami ang pagiging diretso ni Kim kontra sa senador.

May nagsasabi namang baka naduwag si Kim lalo’t naiugnay niya ang isyu sa naging stand noon ni Marcoleta sa pagpapasara sa ABS-CBN. May nagsabi pang bihira na ngang makapuntos nang bongga si Kim sa kagayang isyu, pero bigla naman daw umurong ang buntot nito?


Well, ‘yan ang maganda sa demokrasya. May kani-kanyang pintas at puri. Ang mahalaga sa aming pananaw ay naipahayag ni Kim ang kanyang mensahe at naunawaan ito ng marami.


Whether may nagsabi sa kanyang burahin ‘yun or what, the fact remains that Kim is indeed among our outspoken celebrities na may kakayahang magpahayag ng saloobin. 


‘Yun nga lang, kapag nagiging partisan na o may isusulong na ibang lider-pulitiko, du’n na nagrarambulan ng opinyon at puna. Hahaha!



Nakakaloka ang paratang ng isang netizen kay Cristine Reyes na diumano’y sumasabay ang character development sa lagay ng kanyang love life.


Noon daw kasing si Marco Gumabao ang karelasyon nito at naranasan nitong mangampanya, mukha raw para sa administrasyon ang paniniwala nito. May mga nagsabi pang mukhang tumiwalag na raw ito sa tropa ni Imee Marcos na ang ingay-ingay noon sa socmed (social media) at pabor na pabor kay Vice-President Sara Duterte.

“But look at her now. With her new dyowa, Gio Tiongson, aba’y nag-shift na naman ito ng kanyang political color (pinklawan). Seems like may bagong twist sa kanyang character ngayon,” obserbasyon ng netizen.


Ang tinutukoy nga ng netizen ay ang pag-join din ni Cristine kasama ang sinasabing BF sa mga naganap na rally kamakailan kontra-corruption, pero may mga political figure na sinamahan nang dahil nga sa dyowa nitong political analyst.


“Teka lang, hindi ba’t na-introduce na rin siya ng ate niyang si Ara (Mina) sa Discaya couple? Paano ngayong nag-shift na s’ya ng bakod? Ano’ng nangyari sa Pasig connection ng family nila?” tanong pa ng mga mausisang netizens.




Ipinalit kay Julia ng aktor, imposible raw…

VANIE, IBA ANG TYPE, ‘DI SI GERALD



THIS time, gusto naming maniwala na magkakilala lang o baka may mga common friends lang talaga sina Gerald Anderson at Vanie Gandler. Na wala silang romantic involvement (for now, ha?) at totoong sports lang ang dahilan kung bakit sila nauugnay sa isa’t isa.


We have been monitoring and covering volleyball events in general (both men’s and women’s), kaya’t imposibleng wala rin kaming ma-Marites sa kanila kung meron man.

Nasa iisang gym lang nagte-train ang ilan sa mga teams ng volleyball at nagkataon na isa nga si Gerald sa mga may koneksiyon sa naturang gym. Normal na magkita-kita, magtsikahan, alaskahan at kuwentuhan ang mga athletes na nandu’n at makabuo ng tropa-tropa.


But we never discount the possibility na puwede namang magkaroon ng special attachment ang dalawa kung tunay mang may atraksiyon sila or what.


Ang masama lang sa usapin ay dahil si Gerald ang lalaki. Siya itong may mga previous record ng ghosting at diumano’y panloloko noon sa mga naging karelasyon. Nasa kanya kumbaga ang burden of proof para paniwalain ang sambayanan na hindi niya niloko si Julia Barretto nang dahil kay Vanie.


Pero ‘ika nga ng aming colleague sa sporting world, “Hindi talaga, eh. Imposible talaga,” na sina Vanie at Gerald na raw.


Dahil ayon pa sa same source, “Iba ang type, eh.” 

Aguy!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 2, 2024



Photo: Kim Chiu - Instagram


Ibinahagi ni Kim Chiu ang behind-the-scenes look ng kanyang Calendar Girl shoot. Ipinost ni Kim sa kanyang Instagram (IG) account ang video with clips of her modelling for the different layouts for Tanduay’s 2025 calendar.


Ani Kim, “Becoming a Tanduay Calendar Girl is such a powerful moment for me, it’s more than just being part of a calendar; it’s about breaking barriers, owning my confidence, and celebrating every step of my journey.”


Dagdag pa niya, “I’m grateful for things that are happening to me, I’m just very lucky to experience this in this lifetime. Every step of this journey is exciting and surprising.

“Celebrate life kasi parang ang iksi na ng buhay, hindi mo alam, inire-reserve mo ‘yung big celebrations for a big event. Hindi ka aabot du’n, ‘wag naman sana! Pero siyempre, isine-celebrate bawat wins mo in life.”


Ang ibang celebrities na naging Tanduay Calendar Girls ay sina Kylie Versoza, Bea Alonzo, Ivana Alawi, Ellen Adarna, Jessy Mendiola, Heart Evangelista, at ang pinalitan niya last year na si Julia Barretto.



ANG sexy ng suot ni Maris Racal nang um-attend ng media launch ng bago niyang action serye na Incognito sa pangunguna nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla.

Kasama rin sa serye ang ka-love team ni Maris na si Anthony Jennings at sina Kaila Estrada, Baron Geisler at Ian Veneracion.


Sa teaser pa lang na ipinakita ng Star Creatives ay masasabing pinaghandaan at ginastusan ang production cost ng Incognito.


Well, ang dami ngang nakapansin sa seksing suot ni Maris.


Paliwanag niya, “Napunit po kasi ang damit ko sa may gate, ginawan na lang po ng paraan. And thank God, maganda naman ang kinalabasan.”


Anyway, ang MaThon (Maris-Anthony) ang nakakapagbigay ng icebreak sa buong cast. Ang role ni Maris ay isang spy na si Gabriela. Lahat ay kanyang ginagawa makakuha lang ng info sa mga kalaban kahit may times na pati ang sarili niya ay kanyang ipinapain.


Ang role naman ni Anthony ay may kulang sa pag-iisip na si Tomas. Hindi raw siya nakagradweyt pero isinama sa grupo ng mga private military.


Ayon kay Anthony, nag-e-enjoy siya sa kanyang role dahil marami siyang first time na na-experience sa Incognito.


Sey naman ni Maris, challenging sa kanya ang pagiging spy. Ibang-iba raw sa karakter nila sa Can’t Buy Me Love (CMBL) bilang sina Irene at Snoop, kung saan nabuo ang kanilang love team na SnooRene.


Kapansin-pansin na tila at ease na sa isa’t isa ang dalawa. 

Hindi pinayagang mainterbyu nang one-on-one ang mga cast na nakaupo sa panel. Pero lahat sila ay enjoy naman sa kani-kanilang karakter. 


Dumaan daw silang lahat sa masinsinang pagte-training na umabot ng four months.

Ang Incognito ay unang mapapanood sa January 17, 2025 sa Netflix. Mapapanood din ito sa iWantTFC at sa free TV.


 
 

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 20, 2022


ree

Sobrang excited na si Xian Lim sa nalalapit na airing ng kanyang first teleserye sa GMA-7, ang False Positive. Sa May 2 na ito magsisimula at dito na nga siya talaga huhusgahan bilang Kapuso actor kaya at the same time ay kabado rin daw siya.


“Sobra akong kabado and paulit-ulit kong sinasabi, I don’t wanna let anyone down and all I can do…


"I think, that’s my biggest fear, noong una pa lang, I remember opening up to Direk Irene (Villamor),” sabi ni Xian sa virtual mediacon na ginanap para sa False Positive, last Monday.


Talaga raw kinausap niya noong una pa man si Direk Irene at sinabi niyang gagawin niya talaga ang lahat ng kanyang makakaya para sa proyekto.


“Talagang looking back, gusto ko lang sabihin na ibinigay ko lahat dito and I wish for the best and more, more projects,” masayang wika ni Xian.


Kung sa serye ay ginagampanan niya ang married man na malapit nang maging ama, in real life ay inamin ng aktor na hindi pa siya ready na maging tatay sa ngayon.


“Honestly, hindi pa po ako ready,” natatawa niyang sabi. “I think, I need the proper mindset for it.”


Natanong nga rin kung nape-pressure ba sila sa ibang showbiz couples na nae-engaged na at nagpapakasal at ayon sa aktor ay hindi naman.


“Wala namang pressure, hindi ko naman nararamdaman ‘yun. Basta ‘yung kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, wow! Basta nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters,” he said.


Wala pa raw talaga sa usapan nila ni Kim ang pagse-settle down at sa ngayon ay ine-enjoy muna nila ang kanilang relasyon.


Sa False Positive ay si Glaiza de Castro ang leading lady ni Xian na first time niyang makatrabaho at ayon sa aktor, malakas ang arrive ng kanyang kapareha.


“Si Glaiza is super nice. At first, very intimidating dahil medyo… hindi naman sa malakas ang dating pero malakas ang arrive (sabay-tawa). In a positive way, of course, not in a negative way. Na parang nakakahiya naman, kasi siyempre, Miss Glaiza de Castro, Asia’s Acting Gem, kumbaga, ‘Saan po ba ako lulugar?’


“It turns out na after a couple of days, mabait po siya na tao, and she’s very patient and mapagbigay,” paglalarawan ni Xian sa leading lady.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page