top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Xian, gets mo 'yun? KIM: SINO ANG BUMITAW? SINO ANG SUMUKO?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2024
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary  | June 22, 2024


Showbiz News
Photo: Kim Chui & Xian Lim / IG

Napagtripan na naman si Kim Chiu ng mga co-hosts niyang sina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro sa Expecially For You segment ng It's Showtime dahil sa kanyang linyang “Sino ang bumitaw?”

Sa pagsisimula ng segment ay kani-kanyang linya ang mga hosts bago tuluyang ipakilala ang kalahok sa EFY.


Ang linyang sinabi ni Kim ay “Sino ang bumitaw?” na agad namang naging dahilan upang mag-react ang kanyang mga co-hosts. 


Tinanong nila si Kim kung sino nga raw ba ang unang bumitaw. 


Pabirong nagtanong si Meme Vice, sabay sambit na marami siyang naririnig na usap-usapan, samantalang patuloy na nagtatanong din sina Jhong Hilario at Vhong Navarro kay Kim. 


Dumepensa naman si Chinita Princess. Aniya, binasa lang niya ang linya na ibinigay sa kanya. 


Sumunod pa niyang binanggit ang linyang “Sino ang sumuko?” na nagbigay-daan sa pangalawang pagtatanong ng kanyang mga kasama.


Tinawanan na lang ni Kim ang kanyang mga kasamahan habang tuluy-tuloy sa pagde-deliver ng kanyang linya.


Mister, rich naman kaya kering-keri… DANI, MAGKAKA-BABY NO. 2 NA 


Showbiz News
Photo: Danni Barretto / IG

Expecting ng second baby sina Dani Barretto at Xavi Panlilio. 


Ani Dani sa kanyang Instagram (IG) page, “Growing a love too beautiful for words. Hello baby #2 we can’t wait to meet you.”


Comment naman ng isang netizen, “Basta mabibigyan naman ng magandang kinabukasan ang bata, go lang nang go.”


No questions asked sa mag-asawa dahil kahit ilang anak pa ang gawin nina Dani at Xavi ay kayang-kaya ng mister ni Dani na buhayin ang kanyang pamilya.


Xavi belongs to the old rich family. Besides, may sarili siyang business, likewise Dani. 


Apo, inilantad… JAYA, LOLA NA!


Showbiz News
Photo: Jaya / IG

Isa na rin palang lola ang singer na si Jaya.


Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Jaya ang larawan ng kanyang apo kung saan karga niya ito. 


"Our apo has finally arrived! Grayson Gage Gara Gotidoc born June 18, 2024 is absolute gift from heaven for our family. God is good. Thank you Lord!!!"

Komento ng mga netizens…


"Pogi 'yung lalaking katabi ng partner niya. 'Yung may mga tattoo sa leeg."


Tanong ng isa pa, biological son ba ni Jaya si Gavin or stepson?"

May sumagot, "Stepson."


"Congratulations, Jaya and family! Isa sa mga favorite singers ko 'to." 


"Ay, isa rin sa fave ko na local singers si Jaya! Bagay sa kanya 'yung jazz and blues! Saka motown." 


"Habang tumatanda, mas naging kamukha ni Jaya si Miss Elizabeth Ramsey. Nakaka-miss si Miss Elizabeth, very funny and so full of talent."


"Guwapung-guwapo ako sa stepson ni Jaya, kaya lang, nakakasira ang tadtad na tattoos."



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page