Ex-misis mo, Richard, haping-hapi na raw… BAGONG DYOWA NI SARAH, CEO

ni Beth Gelena @Bulgary | October 29, 2026

Photo: Sarah Lahbati - IG
“I’m feeling great. Yeah, I feel good. Life is definitely full of love,” ito ang pahayag ng aktres na si Sarah Lahbati tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan, kasunod ng mga usap-usapan sa kanyang love life matapos silang maghiwalay ng mister na si Richard Gutierrez.
Muling napukaw ang interes ng mga netizens sa personal na buhay ng aktres matapos niyang magbahagi ng birthday photo kasama ang isang misteryosong lalaki sa pagdiriwang ng kanyang 33rd birthday.
Ayon sa showbiz circle, ang lalaking kasama ni Sarah ay si Mikhail Schemm, founder at chief executive officer (CEO) ng Third Culture Entertainment.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang aktres tungkol sa tunay na ugnayan nila ng nasabing guy.
Sa halip na pag-usapan ang mga espekulasyon sa kanyang love life, mas binigyang-diin ni Sarah ang kanyang nararamdamang kaligayahan at kapayapaan sa kasalukuyan.
Malaking pagbabago rin ang pinagdaanan ng personal na buhay ng aktres matapos niyang kumpirmahin noong Marso 2024 ang hiwalayan nila ni Richard, na ama ng dalawa niyang anak na sina Zion at Kai.
Simula noon, patuloy na tinatahak ni Sarah ang kanyang career habang ginagampanan ang responsibilidad bilang single mom.
Padir ng bata, bilib na bilib sa beauty queen… CELESTE, 20 ORAS NAG-LABOR SA UNANG ANAK
MAHIGIT 20 oras na labor ang hinarap ni Celeste Cortesi bago naisilang ang panganay nila ni Jonathan Sterling.
Dahil dito, hindi napigilan ng British entrepreneur na ipahayag ang paghanga sa katatagang ipinakita ng dating Miss Universe Philippines 2022 sa panganganak.
Sa Instagram (IG) Stories, ibinahagi ni Jonathan ang kanyang mensahe para kay Celeste, na aniya’y lalo niyang hinangaan matapos masaksihan ang pinagdaanan nito.
“So proud of @celeste_cortesi and how far she’s come on her journey. Staying with her through more than 20 hours of labor showed me just how strong of a woman she is,” saad ni Jonathan.
Ipinahayag din niya ang kanyang kaligayahan sa pagsilang ng kanilang baby boy na si Sergio.
“So so happy to welcome baby S into the world. #dynasty,” dagdag pa niya.
Samantala, inanunsiyo ni Celeste ang pagsilang ng kanilang anak sa social media noong Oktubre 27, kung saan nagbahagi siya ng sulyap sa kanyang newborn son.
Si Celeste ay isang Filipino-Italian model-beauty queen at aktres na nakilala matapos koronahang Miss Universe Philippines 2022.
Naghiwalay na sina Celeste at Jonathan, pero sa panayam sa kanila kamakailan, sinabi nilang co-parenting ang mag-uugnay sa kanilang dalawa pagdating kay Sergio.





Comments