top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Xian, gets mo? "WALANG SIKRETONG 'DI NABUBUNYAG" — KIM

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 8, 2023
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 08, 2023



Diretsahan namang nagpakatotoo si Kim Chiu at hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa mediacon ng bagong serye nila nina Paulo Avelino at JM De Guzman sa Dreamscape titled Linlang when we asked him kung in real life ba ay nalinlang na rin siya.


"Linlang? Ako?" ang bungad niya kaya nagkatawanan, dahil open book naman sa showbiz ang love life niya.


Dugtong niya, "Alam n'yo, 'pag nagmahal naman kayo, hindi n'yo alam kung tama 'yun o hindi. Kapag itong puso 'yung pinairal n'yo, hindi naman magsasabi 'yan ng tama 'yan, mali 'yan.


Hangga't nararamdaman mo na hindi ka na inirerespeto, ibig sabihin, gamitin mo na 'to (sabay turo sa sentido niya)."


So, hindi na niya pinatatagal 'pag nalilinlang siya?


"Dapat alam mo 'yung self-worth mo. Ikaw talaga," tukso pa nito sa amin sabay hirit ng "Lahat tayo, nalilinlang. Imposibleng ni isa rito sa inyo, hindi nalinlang. So, baunin na lang natin 'yun na alaala, charot! Na aral sa buhay natin," pabirong sagot ni Kim.


At nu'ng tinanong namin after ng mediacon ng Linlang kung masasabi rin ba niyang "Time is the ultimate truth teller" (na una nating narinig kay Bea Alonzo), natatawang sagot ni Kim, "Grabe,


ayokong magsabi nu'n. Pero wala namang sikretong hindi nabubunyag. Para siyang sand na hindi mo siya forever mahahawakan, meron at merong lalabas talaga."


Oh, ha? Siguro naman, walang dapat ikakaba si Xian Lim sa sinabing 'yan ni Kim dahil wala naman na siguro siyang itinatago sa GF niya sa tagal na ng relasyon nila, 'no?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page