XIAN, BINURA NA ANG MGA TRAVEL VIDEOS NILA NI KIM
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 12, 2023

Wala pang pag-amin sina Kim Chiu at Xian Lim tungkol sa balitang hiwalay na sila pero tipong du'n na rin patungo ang kanilang relasyon.
The mere fact na binura na lahat ni Xian Lim ang mga travel videos nila ni Kim sa YouTube ay patunay na nagwakas na ang kanilang love story.
Hindi na ito ikinagulat pa ng lahat dahil expected na nila na hindi naman seryoso si Xian Lim sa pakikipagrelasyon.
Si Kim lang ang labis na umasa at nagmahal nang todo kay Xian Lim.
Marami ngayon ang labis na naaawa at nakikisimpatya kay Kim dahil lagi na lang itong bigo sa pag-ibig.
Labis-labis siyang magmahal pero hindi ito pinahahalagahan ng mga lalaking kanyang minahal tulad nina Gerald Anderson at Xian Lim.
Lagi na lang siyang iniiwan. Kaya, ang payo ng mga netizens kay Kim Chiu ay ipahinga muna niya ang kanyang puso. Darating din sa tamang panahon ang kanyang Mr. Right.





Comments