WW3, hindi na laban ng tao—kundi ng teknolohiya at espiya
- BULGAR

- 17 minutes ago
- 3 min read
ni Ka Ambo @Bistado | January 14, 2026

Aktuwal nang nararamdaman ang epekto ng World War III.
Hindi ito nahahalata, dahil magkaibang-magkaiba ang “anyo” ng digmaan ngayon, kaysa sa digmaan sa nagdaang panahon.
-----$$$--
IDINIKIT natin ang depinisyon ng “digmaan” sa radikal na paggamit ng malalakas na armas, masaker, at partisipasyon ng mga tao.
Hindi iyan ang “ganap” na depinisyon na digmaan sa modernong sibilisasyon.
-----$$$--
HINDI dapat natin ikumpara ang WW3 sa mga naranasan o maniobra noong WW1 at WW2.
Mas tahimik, at iwas-patay ang WW3 dahil natututo na rin ang modernong sibilisasyon.
-----$$$--
MAKIKITA natin na “nasakop” ng US ang Venezuelans nang biglaan, sorpresa at walang gaanong nasawi.
Nagising na lang isang umaga ang mga Venezuelans na iba na ang “set-up” ng kanilang gobyerno—at iba na rin ang “future” ng kanilang bansa.
-----$$$--
ANG nagaganap sa Russia at Ukraine ay kakaiba rin.
Nababawasan na ang partisipasyon ng mga tao, bagkus ay digmaan ito ng mga makina, robot, drone, at teknolohiya.
-----$$$--
HINDI “tao” at “bomba” ang digmaan ngayon– ‘di tulad noong WW1 at WW3.
Bagkus, ang WW3 ay giyera ng mga “spy, technology”, robot, drones at makabagong kasangkapan na ngayon lamang mararanasan.
-----$$$--
INIULAT na nagparalisa ang “depensa” ng Venezuela dahil sa “electronic gadget” na dumaspalinghado sa mga security officers.
Ibig sabihin, ang mga nababasa at nakikita nating war armaments ay hindi ‘yan ang gagamitin, bagkus ay mga bagong inobasyon.
-----$$$--
KAHIT ang Russia ay gumagamit ng mga makabagong equipment at maging ang Ukraine ay nakakadepensa dahil sa mga bagong imbensiyong gamit na pandigmaan.
Ibig sabihin, ‘wag nating tignan ang “onset” ng WW3 sa tradisyonal na giyera tulad sa WW1 at WW2.
-----$$$--
MATUTUKOY nating ang digmaan sa kanyang “ultimate goal” o mithiin o adhikain.
Walang krimen na walang motibo o malisya.
Ganyan din sa digmaan.
-----$$$--
ANG krimen ay hindi kutsilyo, tabak, baril, o anumang pamatay, bagkus, ang krimen ay natukoy sa “motibo” o “malisya” ng aksyon ng suspek.
Ganyan sa digmaan, matutukoy ito kung nagaganap na o hindi pa, sa mithiin, motibo, o ultimate goal” ng mga protagonist o “mandirigma.
-----$$$--
ANG digmaan ay hindi simpleng “pananakop” o pang-aalipin sa mga tao, bagkus ay ang pagkontrol ng kabuuang takbo ng bansa—militar, gobyerno, komunidad at ekonomiya.
Ibig sabihin, ang Venezuela ay hindi sinakop para palitan ang “liderato” ng bansa, bagkus ay sinakop ito—upang madiktahan at makontrol ang “kasalukuyan” at “hinaharap ng isang bansa”.
----$$$--
GANYAN din ang sitwasyon ng Russia-Ukraine war, ang isyu dito ay hindi ang pagsakop sa teritoryo, kundi ang “takot” ng Russia na makadikit ang NATO sa kanilang hangganan at makontrol ang aspeto ng kanilang lipunan.
Sa kabilang panig, natatakot din ang NATO na makadikit sa kanilang hanggahan ang Russia at maimpluwensiyahan ang mga kaalyadong bansa.
Hindi ito simpleng sakupan ng teritoryo, paggamit ng armas o pagmasaker sa populasyon.
-----$$$--
ANG Ukraine at Russia ay may karapatang protektahan ang kanilang teritoryo at soberanya—ganun din ang ibang bansa.
Pero, ang panghihimasok ng mga superpower sa teritoryo at soberanya ng mga “independent” nation ay siyang pinakamalaking sagwil sa “kapayapaan" ng buong daigdig.
-----$$$--
HINDI na bago ang panghihimasok ng malalaking bansa sa mga maliliit na bansa.
Lumang tugtugin na ‘yan.
Ang mapait, ang maliliit na bansa ay nananatiling api at ang malalaking bansa ay patuloy sa paghahari-harian.
‘Yan mismo ang problema!
-----$$$--
SA panahon ng makabagong teknolohiya, unti-unting magbabago ang pananaw sa digmaan, dahil dapat magkaisa ang mga tao sa ibabaw ng lupa—at ituon ang enerhiya, resources sa “pagsakop” sa ibang planeta.
Dili kaya’y maghanda ang planet earth sa pananakop ng mga “interstellar power” na tinitiyak na magaganap sa susunod na ilang dekada.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments