Wowowin, para tuloy pa rin kahit ECQ… WILLIE, UMAMING NAGPASAKLOLO KINA SEN. BONG GO, SEC. DUQUE AT
- BULGAR
- Aug 6, 2021
- 2 min read
AT SEC. AÑO
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 06, 2021

Inanunsiyo ni Willie Revillame na hindi matitigil ang live broadcast ng Wowowin kahit na sasailalim ang NCR sa dalawang linggong ECQ simula ngayong araw, Friday, August 6 hanggang sa Aug. 20.
Ayon sa TV host ay talagang gumawa siya ng paraan para hindi matigil ang show at para matuloy din ang TV special ng Shopee 8.8 sa Sunday.
Humingi raw siya ng tulong at advice mula kina Sen. Bong Go, Health Dept. Sec. Francisco Duque III at Sec. of DILG Eduardo Año kung ano ang nararapat niyang gawin para hindi matigil ang show.
Ang advice raw sa kanya ay lumipat muna sila ng broadcast location sa lugar na hindi ECQ.
“Ako po’y nagpapasalamat dahil in-advise-an nila ako, ‘Hindi ka puwedeng mag-show sa NCR, Willie, you have to find a place na hindi naka-ECQ.' So, hindi ho ba, sumusunod pa rin kami sa patakaran?” ani Willie sa latest episode ng Wowowin.
“Kahit ho may ECQ, itutuloy namin. Sinabi ko naman sa inyo, gagawa ako ng paraan. Ako po ay nagsumamo, nakiusap. Para po sa inyo ito,” pahayag pa ng TV host.
Nilinaw din ni Willie na susunod pa rin sila sa safety protocols at unang-una na nga rito ay lahat daw ng kasama nilang staff ay fully vaccinated na.
Kasalukuyan na raw silang naghahanda para rito at kahit nga raw mas magastos ito, okay lang basta’t matuloy ang show. Hindi pa sinasabi ng TV host kung saang lugar sila lilipat basta’t out of town daw ito at napakagandang lugar. (Sa Clark International Airport daw, ayon kay Tita Nitz Miralles sa kolum niyang BIDA. — JDN)
“Kung saang lugar, ia-announce po namin ‘yan, at magandang-maganda ho ito, napakagandang lugar. Ang sarap ng mga pagkain diyan. I think, mga 2 weeks tayo diyan, kung aabutin ng isang buwan, walang uwian,” sey pa ni Willie.
“Medyo mabigat ang gastos, siyempre, mag-aalmusal, marami na naman kami, almusal, tanghalian, may meryenda pa ‘yan,” aniya.
Magsisimula raw sa Sunday, Aug. 8 ang live broadcast nila sa out of town at ito nga ang Shopee 8.8. At dire-diretso na ito sa Wowowin sa Monday next week hanggang sa matapos ang ECQ.
Inanunsiyo rin ni Willie ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino dahil special guest nila ito sa Sunday.





Comments