Wow, simple lang, pero… P4 M, ISANG RELO NI JENNYLYN
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 21, 2021

Masinop sa buhay ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Marunong siyang mag-invest ng kanyang kinikita at hindi maluho.
Pero, paminsan-minsan ay bumibili rin siya ng mga bagay at gamit na gustung-gusto niya bilang reward sa kanyang sarili.
Tulad ng nabili niyang Patek wristwatch na worth P4 million. Gold ang relo pero simpleng-simple lang ang hitsura. Hindi ito flashy o agaw-pansin kaya masayang-masaya si Jen tuwing isinusuot ang mamahaling Patek wristwatch.
Bukod sa relo, ipinakita rin ni Jen sa kanyang vlog ang cute niyang Hermes Kelly Bag at isa pang LV bag. Mahilig sa mga maliliit na bags si Jennylyn dahil komportable raw gamitin at dalhin.
Para kay Jen, hindi naman kailangan na may collection siya ng mga mamahaling branded bags dahil hindi ito nagagamit araw-araw. Praktikal siya sa buhay at hindi basta gagastos sa mga mamahaling stuff.
Mas gusto niyang mag-ipon at mag-invest sa negosyo, lalo na ngayon na magkakaroon na sila ng anak ni Dennis Trillo.





Comments