top of page
Search
  • BULGAR

Wow, ha? Parang 'di beteranong playboy…

DEREK, HINIHINGI PA ANG APPROVAL NG MGA BFF KUNG OKAY MAGING GF SI ELLEN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 24, 2021




Marami ang natatawa na lang sa pahayag ni Derek Ramsay na itatanong pa raw niya sa kanyang mga kaibigan kung okay sa kanila na si Ellen Adarna ang maging kapalit ni Andrea Torres sa kanyang puso.


Para naman siyang teen-ager na ngayon lang magkakagusto sa isang babae. Kung tutuusin nga ay beterano na si Derek sa larangan ng pakikipagrelasyon. Sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay ng aktor, hindi pa ba niya maramdaman kung okey sa kanya si Ellen Adarna?


Wala namang kiber ang mga netizens kung sila na nga ni Ellen. Halos ayaw na nga nilang maghiwalay at panay ang post sa social media ng kanilang mga happenings.


Magkasundung-magkasundo naman ang kanilang ugali. Pareho silang game sa lahat ng bagay. Si Ellen ang tipong hindi magde-demand ng kasal sa karelasyon, kaya libreng-libre si Derek at hindi mape-pressure na magpakasal, hindi tulad ng ginawa sa kanya ni Andrea Torres.


Deserve nina Ellen at Derek ang isa't isa. At kung sakaling dumating ang panahon na ayaw na nila at lumamig na ang kanilang atraksiyon, maghihiwalay sila na walang drama at hard feelings.


'Yun ang bentahe ni Derek kapag nakatagpo ng babaeng liberated ang pananaw sa buhay. Ang katulad ni Ellen na free-spirited ang kailangan niya.


Ayaw ni Derek na masakal at matali sa isang relasyong pangmatagalan. At hindi pa nga siguro niya natatagpuan ang babaeng magpapabago ng kanyang pananaw sa aspeto ng kasal. Kaya naman, nag-i-enjoy muna siya sa pagbubuhay-binata.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page