top of page
Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT.jpg

World leaders nasa ‘Pinas, rating ni PBBM bumagsak, nakakahiya naman sa mga bisita!

Writer: BULGAR
BULGAR
57 minutes ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 16, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SWS NAGLABAS NG BAGSAK NA RATING NI PBBM HABANG NAGDARATINGAN ANG MGA WORLD LEADERS SA ‘PINAS — Habang nagdaratingan sa Pilipinas ang mga lider ng iba't ibang bansa na dadalo sa ASEAN Summit and Related Summit, ay sinabayan ito ng Social Weather Stations (SWS) ng pagsasapubliko ng resulta ng kanilang survey na bumagsak na naman ang rating ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Nakakahiya 'yan sa parte ng Malacañang kasi dahil sa resulta ng survey na 'yan ay nalaman tuloy ng mga world leaders na palpak ang mga polisiya ng Marcos administration, kung kaya't bagsak ang performance rating sa bansa ni PBBM, boom!


XXX


MALAPIT NA IBABA NG IMPEACHMENT COURT ANG HATOL KAY VP SARA PERO ANG SC WALA PA RING  DESISYON SA VOTING THRESHOLD — Next month o sa Disyembre 2026 ay maaaring ibaba ng mga senator-judge ang magiging hatol nila kay Vice President Sara Duterte, pero hanggang ngayon ay wala pang ibinabang desisyon ang Supreme Court (SC) sa petisyon nina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla na kumukuwestyon sa ibinabang impechment voting threshold ng Senate Impeachment Court, na ayon sa dalawang senador ay dapat 16 votes ang gawing bilang sa conviction ng Bise Presidente at hindi dapat ibatay ang 2/3 votes sa bilang kung sino lang ang mga present sa Senado.


Ang nais nating ipunto rito ay dapat bago ibaba ang hatol kay VP Sara ay maglabas na ng desisyon ang SC kung pinapanigan nila o hindi ang petisyon nina Sen. Bong Go at Sen. Robin Padilla, period!


XXX


MALAMANG KINABAHAN SI CHAIRMAN GEORGE GARCIA SA SINABI NI OMBUDSMAN REMULLA NA MUKHANG PERA ANG MGA TAGA-COMELEC — Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na "mukhang pera" raw ang mga taga-Comelec.

Naku, hindi man aminin ay tiyak na kakaba-kaba na si Comelec Chairman George Garcia kasi kapag nagsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman sa Comelec at may madiskubreng anomalya rito, malamang kaso at pagkakakulong sa city jail ang abutin niya, boom!


Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page