top of page
Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT.jpg

VP Sara, itsapwera sa ASEAN Summit

Writer: BULGAR
BULGAR
31 minutes ago
2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | November 16, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nasa Maynila ang mga lider ng malalaking bansa.

Sana makatulong sila sa krisis.


-----$$$--

Walang papel si VP Sara sa 49th ASEAN Summit.

Nakikiramay po.


-----$$$---

Wala pang malinaw na bilang kung maabsuwelto si VP Sara sa impeachment case.

Siya ang “Bagong Corona.”


----$$$--

IMBES na pag-awayan ng mga national leaders kung paano maisasalba ang ekonomiya, mas abala sila sa kung paano mapipigilan ang pag-upo sa 2028 ng susunod na presidente ng Pilipinas.

Ngekkk!


----$$$--

DARATING sa Maynila si US President Donald Trump.

May malaking sorpresa ito: negatibo o positibo?

Kakanerbiyossss!


----$$$--

AMINADO ang malalaking korporasyon na nalulugi sila.

Pero, dedma ang Malacañang.


----$$$--

MATAGAL nang ibinabala na ang pagsakop ng AI sa daigdig ay magbubunsod ng “salimuot” sa pandaigdigang ekonomiya na ikakabangkarote ng mga korporasyon.

Nararamdaman na.


-----$$$--

HALOS araw-araw ay may iniuulat na “cyber hacking” sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang bansa.

Nagsimula na ang negatibong epekto ng AI.


-----$$$--

Imbes na yakapin at saliksikin ang AI, iniiwasan ito.

Paano mo maiiwasan ang isang bagay na “hindi mo ganap na nauunawaan?”


----$$$--

MATAGAL na at paulit-ulit na ipinapayo ni Socrates: Kilalanin mo ang iyong sarili!

Kapag sinabing “sarili,” kasama diyan ang paligid mo at mga bagong teknolohiya.


-----$$$--

ANG katangahan na kinambalan ng katamaran ang tunay na dahilan ng pagkabangkarote ng mga negosyo.

Pero higit dito ang isa pang salik ng pagkalugi?

Ito ay ang kasakiman, korupsiyon at panloloko ng malalaking korporasyon sa kanilang mga suki.


----$$$--

NALULUGI ang mga telco at media giants, dahil sa pagiging ganid at gahaman sa malaking “profit,” gamit ang corruption sa pamahalaan at overpricing.

Pinarurusahan sila ng kalikasan.


----$$$--

HINDI simpleng karma ang pagkalugi ng malalaking korporasyon, bagkus ito ay isang malagim na sumpa!

Ang problema, damay dito ang ordinaryong tao, kasama na ang mga Pinoy!


-----$$$--

BABALIK ang lahat sa istorya sa bibliya kabilang ang Soddom at Gomorrah; at ang “Malaking Baha” sa panahon ni Noe.

Kailangang parusahan ang mga sakim at mga taong kumukunsinte sa “imoralidad” na isang anyo ng corruption.


-----$$$--

AKTUWAL na naganap na ang hula sa Bibliya na magugunaw ang “mundo.”

Ang “mundo” na tinutukoy dito ay hindi pisikal, bagkus ay “sosyal.”


----$$$--

SA pagpasok ng dekada “2030” iba-iba na ang anyo ng sibilisasyon kumpara sa “BEFORE 2030.”

Ang dekada 2020s ay ang huling dekada ng lumang henerasyon na kinontrol ng “karunungan at akademya ng Europe na mas kilala bilang “Western civilization.”


----$$$--

ANG marumi at lipas na estilo ng sibilisasyon na nakapundasyon sa Europa ang siyang tunay na ugat ng walang katapusang digmaan.

Iyan ang pinag-uugatan ng giyera kung saan ang Babilonya at Persia ay patuloy na nakikipagdigmaan.


----$$$--

SA ayaw o sa gusto natin, mawawala na ang impluwensiya ng Europe, bagkus ay masasapawan na ito ng modernong “AI” at “quantum philosophy.”

Masasaksihan at mararanasan natin ang epekto nito sa dekada 2030.


----$$$--

WIKA ni St. Francis de Assisi ay kailangang mawasak upang magkaroon ng bago.

Kailangan ang “kamatayan upang magkaroon ng pagsilang.”

Mapanganib, malalim na parang nagbubuntis at malapit nang manganak!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page