top of page
Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT.jpg

‘Di raw bawal sa atleta… CARLOS, MAS GANADONG LUMABAN SA KOMPETISYON AFTER SEX

Writer: BULGAR
BULGAR
19 minutes ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 16, 2026



Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT

Photo Carlos Yulo at Chloe San Jose - FTWBA YT



Viral ang naging ganap sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nang mag-guest ang magdyowang sina two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at Chloe San Jose.


Sa panayam, nagbigay ng paalala ang King of Talk na si Boy Abunda sa mga magulang na mahalagang gabayan ang kanilang mga anak, lalo na ang mga kabataan.


“Tabi-tabi po sa mga kabataan, gabay ng mga nanay at tatay,” paalala ni Boy sa mga magulang.


Napag-usapan kasi sa naturang panayam kung nakaaapekto ba sa performance ng isang atleta ang pakikipagtalik bago sumabak sa mga prestihiyosong international competition.


Tinanong ni Boy si Carlos, “Bawal ba ang sex bago ang event?”

Sagot ng Olympic champion, “I think, it’s really a myth. Kasi naranasan ko rin s’ya, ‘di s’ya gaano nakaaapekto.”


Pabirong tanong ni Boy, “Ano’ng naranasan mo, Caloy?”

“It depends. Sometimes, great happiness can really boost you up the next day. And we’re humans, we’re men. Paggising mo, okay ka na ulit, you know, mataas na ulit testosterone nating mga lalaki,” paliwanag ni Carlos.


“For me, in my case and in my opinion, it’s really just here (in the mind),” dagdag pa niya.

Well, mukhang hindi lang training ang nagbibigay ng boost kay Caloy. 

‘Yun na!





Matagal na raw silang nagmamahalan…

SEN. ROBIN, NAG-FAN BOY KAY ANGELINA JOLIE



“MATAGAL na kaming nagmamahalan,” sey ng aktor-senador na si Robin Padilla para sa Hollywood actress na si Angelina Jolie.


Sa kanyang social media post, pabirong ipinahayag ni Sen. Robin na matagal na raw silang nagmamahalan ni Angelina, kahit hindi pa alam ng Hollywood actress ang tungkol dito.


Ani Sen. Robin, “‘Di pa lang n’ya nababalitaan, pero matagal na kaming nagmamahalan ni Miss Angelina Jolie sa puso ko.


“Salamat, mahal ko, sa pagbisita sa ‘kin—hindi, sa ating banal na Inang Bayan!

“Makinig kayo, mga ‘Tol, mayaman ang ating bansa. Ang nag-iisang tunay na kalaban ay ang ‘di patas na hatian ng yaman sa buong mundo.”


Well, ‘wag naman sanang seryosohin ang pagiging fan boy lang naman ni Sen. Robin kay Angelina at sabihang ilusyunado dahil lahat naman tayo ay may hinahangaan. 





IBINAHAGI ng singer-actress na si Angeline Quinto ang ilang larawan mula sa kanyang performance sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Economic Community Council Welcome Dinner na ginanap noong November 13.


Sa kanyang social media post, nagpahayag siya ng pasasalamat at karangalan sa pagiging bahagi ng naturang pagtitipon.


Ani Angeline, “Truly grateful and honored to be part of the ASEAN Economic Community Council Welcome Dinner last night! It is such a privilege to perform for a meaningful gathering that champions unity, strengthens collaboration, and builds meaningful partnerships across the region.”


Well, iba talaga kapag talent ang puhunan. Congratulations, Angeline!





NAGBAHAGI ng isang bukas na liham ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang mother dearest na si Nora Yanga Miranda.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Chito ang taos-pusong mensahe para sa kanyang ina.


Saad ni Chito, “Happy Birthday, Mom!!! Inalagaan at minahal mo kami lahat nang todo-todo, kaya mahal na mahal ka rin namin.


“Palagi kong sinasabi sa ‘yo na tama ang pagpapalaki mo sa ‘min, and the best way to describe you as a person, and what I think your legacy is, ‘yung fact na mahal na mahal ka ng mga anak mo, ng mga apo mo, and I’m sure pati ng bago mong apo sa tuhod.


“Pati nga mga pinsan at mga kabarkada namin, mahal na mahal ka, eh. Happy Birthday, Mom!!! Thanks for being born.”


Anyway, happy birthday sa aking University of the East (UE) dabarkads na si Nora, ang mother dearest ni Chito.


‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page