Workout daw ang therapy… ALBIE, UMAMING MAY ADHD
- BULGAR
- Nov 4, 2021
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 4, 2021

Ibinulgar ni Albie Casiño na mayroon siyang attention deficit hyperactivity disorder or ADHD.
Sa episode ng Pinoy Big Brother last Sunday, ipinakita si Albie doing his morning exercise.
“If I don’t work out, I get stressed. You can’t talk to me straight,” sabi ni Albie sa kanyang housemate na si Shanaia Gomez.
“To be honest, it’s more for my mental health than my physical health,” dagdag pa ng aktor.
Sa confession room ay kinausap siya ni Big Brother at dito ay ipinaliwanag niya kung bakit matagal siyang mag-exercise.
“Matagal po ako mag-exercise talaga, kasi ‘yan po ‘yung oras ko para ma-calm ‘yung mind ko. Wala akong ibang iniisip kundi ‘yung workout,” sabi ni Albie.
At dito nga rin inamin ng aktor na mayroon siyang kondisyong ADHD“Dahil po sa condition ko — meron po kasi akong ADHD — ‘yung utak ko po, ang dami niyang iniisip palagi, alam n’yo po ‘yun?
“‘Pag nakakapag-exercise ako, I’m in the moment na walang ibang importante ngayon, except itong workout na ‘to. When I’m able to do things like this, it just reassures me how strong I am,” pahayag ni Albie.
Matatandaang kapapasok lang ng aktor sa PBB last week.





Comments