top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Women's 3x3 basketball, planong isama sa PBA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 5, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | September 5, 2020




Pakay ng Philippine Basketball Association na tulungang mapalakas pa ang women's basketball sa bansa.


Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial sa PBA.ph website na plano na nilang magtakda ng regular na 3x3 tournament para sa kababaihan oras na opisyal nang mailunsad ang torneo ng PBA 3x3.


Ang regular na league calendar ng women's basketball ay una nang pet program ni Marcial nang maupo siya bilang commissioner noong 2018.


"Unang pasok ko sa PBA, yun talaga ang gusto ko, magkaroon ng mga babae na makakapag-basketball kahit sa 3x3," ani Marcial. Nakakasa na sana ang proyekto pagkaraan sanang pormal na ilunsad ang inaugural 3x3 meet ngayong 2020 pero na-swak sa balde ang plano dahil sa COVID-19 pandemic.


Subalit sa susunod na taon kapag naging naging maayos na ang kondisyon sa kalusugan ng bansa, opisyal nang ilulunsad ang three-a-side competition na kung saan ang committee chairman ay si Richard Bachman, ang governor ng Alaska Aces, ang mangunguna. "Natigil lang ng kaunti. Pero iyon pa rin ang gusto kong mangyari na papa-approve ko sa PBA Board," saad ni Marcial.


May una nang endorsement ang proposal mula kay Board Chairman Ricky Vargas na naalalang nag-sponsor na dati ang PBA sa 3x3 women's meet noong panahon ni dating commissioner Chito Narvasa. "Maganda yan. Personally I agree with that. We should bring in 3x3 women," ani Vargas.


Lumakas ang women's basketball sa bansa nang maka-double gold medal noong Southeast Asian Games sa inaugural ng team basketball sa 3x3 event.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page