top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Alapag masusubok na bilang coach ng PBA NLEX vs. Macau

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 7, 2026



Jimmy Alapag - NLEX Road Warriors

Photo: NLEX Road Warriors



Laro ngayong Biyernes - Ynares Antipolo

5:15 PM Terrafirma vs. Titan

7:30 PM Macau vs. NLEX


Tututukan ng pansin ang unang sabak ni alamat Jimmy Alapag bilang head coach ng NLEX Road Warriors laban sa Macau Giant Pandas sa unang araw ng 2026 PBA Governors Cup sa Ynares Center Antipolo ngayong Biyernes. 


Pormal na bubuksan ng Terrafirma Dyip at Titan Ultra Giant Risers ang pangatlo at huling torneo ng ginintuang ika-50 taon ng liga.


Hinati ang 13 koponan at ang defending champion TNT Tropang 5G ay nasa Grupo A kasama ang Philippine Cup kampeon San Miguel Beermen, Converge Fiberxers, NLEX, Terrafirma, Titan at Macau. Binubuo ang Grupo B ng Commissioner's Cup kampeon Barangay Ginebra, Magnolia Chicken Timplados Hotshots, Meralco Bolts, Rain Or Shine Elasto Painters, Phoenix Fuel Masters at Blackwater Bossing.


Maglalaro ng double round sa loob ng kanilang grupo at ang unang apat sa bawat grupo ang papasok sa playoffs sa huling linggo ng Oktubre. Pansamantalang titigil ang elimination simula Agosto 15 at babalik sa Oktubre 7 upang magbigay daan sa FIBA World Cup qualifiers at Aichi Nagoya Asian Games.


Tulad ng inaasahan, bida muli ang mga import at malaki ang ambag nila kung gaano kalayo ang maaabot ng kanilang koponan. Nakalista sa Ginebra si Justin Brownlee subalit malaki ang posibilidad na palitan muna siya para maghilom ang mga pilay sa tuhod at hita.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page