top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

After maospital, balik-rampa sa Paris… “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” — HEART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11
  • 2 min read

ni Alicia Abarnas (OJT) @Showbiz Special | July 11, 2026



SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



Matapos maisugod sa ospital nu’ng nakaraang linggo dahil sa matinding pagod, balik-rampa agad sa Paris Haute Couture Week ang fashion icon na si Heart Evangelista. 


Kaya naman, inulan ng pamba-bash ang aktres-model dahil kasasabi lang daw nitong uunahin na ang kanyang health, pero heto at todo-rampa na naman abroad. 


Walang preno namang sumagot si Heart habang bumibili ng signature dress sa Schiaparelli Fashion House sa Paris. Diretsahan niyang binuweltahan ang mga bashers na, “Muntik na akong mamatay kaya deserve ko ‘to. Pinagtrabahuhan ko ‘to, mga lintik kayo!”

Tarush!



Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina Sachzna Laparan at Mark Pascual matapos ‘matalo’ ang P150 milyong ipon nila sa cryptocurrency trading. 


Dahil walang trabaho at umaasa lang si Mark kay Sachzna, nagpasya ang dalaga na makipaghiwalay matapos ang tatlong taong pagsasama. 


Idiniin naman ng ina ni Sachzna na si Mrs. Christine Laparan Policarpio ang ex-dyowa ng anak sa FB ukol sa utang nitong P50 milyon at idinamay pa si Piolo Pascual sa pang-ookray. “Maiintindihan ko kung mala-‘PIOLO PASCUAL’ ang mukhaan ni ex, eh! Grabe naman confidence ibinigay mo dito, anak! Ang taas!!!”


Sa isang post, inamin ni Sachzna na hindi na niya kaya ang mga panloloko ni Mark.

“Pero sorry… sorry kung kailangan ko nang sumuko ngayon... Hindi ko na kaya ‘yung mga betrayal at ‘yung pain every time may nalalaman ako,” ani Sachzna. 


Gayunman, nagawa pa ring patawarin ni Sachzna ang ex-BF at sinabing ‘wag na ring bayaran nito ang milyun-milyong utang para makapagsimulang muli. 


Humingi naman ng paumanhin si Mark sa mga napakong pangako at pagtataksil sabay pag-amin sa kanyang crypto financial problem noong 2024.





Pinag-usapan ang ilang pasabog ng showbiz reporter na si MJ Felipe sa YouTube show ni Karmina Constantino-Torres na KC After Hours kasama pa si Krishnan Ganiel. 


Ibinunyag kasi ni MJ na marami talaga sa mga artista ngayon ang may dalawang mukha — iba ang karakter na ipinapakita sa harap ng kamera kumpara sa offscreen, kaya may ilan na talagang mahirap makasama sa entertainment world.



Kuwento ni MJ, may isang sikat na artista raw na ilang beses nang nagpatigil ng mga interview videos sa kanya. 


Bakit? Hindi dahil sa bastos ang tanong, kundi dahil paulit-ulit nitong nailalaglag ang sarili tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng kanyang co-artist — na hiwalay na pala sila. 


Dahil natataranta sa sariling rebelasyon, hihiritan daw ng artista ang team ni MJ na i-cut ang mga bahaging iyon at huwag nang i-air ang interview.


Laging nakakalusot ang artistang ito sa kanyang mga pakiusap, hanggang nang gawin niya ulit ito ay nagsalita na si MJ ng, “Huwag mong ugaliin na nagpapa-stop ka ng interview dahil lang nalalaglag mo sarili mo. Katawan mo ‘yan, tinanong lang kita at ikaw ang sumagot niyan.”


Sa huli, nanaig pa rin ang desisyon ng production team at tuluyan nilang iniere ang interview kahit na umayaw at pumalag ang artista. 


Nanatili namang tikom ang bibig ni MJ at piniling huwag nang pangalanan kung sino ang naturang celeb para na rin sa privacy nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page