Runbike unang hakbang sa batang siklista sa Olympics
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
by MC @Sports News | July 10, 2026

Photo: Ang mga batang pambato ng Run Bike na sina Noah Tan, Hudson Schoonmaker, Juan Dominique Uno Principe at Zoe Cruz kasama sina (dulong kanan) Sofia Genato, K2P Runbike Racing Philippines director kasama sina Jeff Cruz, Irvin Tan, Renee Principe na ibinida ang pag-podium ng mga paslit sa Pilipinas International Race na idinaos sa TLC Park sa Taguig City nang maging panauhin sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports Forum sa PSC Media Room, Rizal Memorial Sports Complex kahapon. (Reymundo Nillama)
Unti-unti nang ipinakilala ang sport na runbike bilang isa sa mga sports na maaring maging unang hakbang para sa mga batang atleta upang makamit ang asam na pangarap na makalaro sa iba't ibang international competitions gaya ng SEA Games, Asian Games at Olympics.
'Yan ang misyon ng Kick2Pedal (K2P) Runbike Racing Philippines na nago-organisa ng mga runbike competition sa iba't ibang panig ng bansa kasama na ang katatapos lang na Karera ng Pilipinas International Race na idinaos nitong weekend sa TLC Park sa Taguig City. "Runbike racing or pushbike racing started two years ago.
Parang 'yung objective po natin dahil may nakikita kaming mga malaking races para sa mga bata sa Asia pero sa Pilipinas, meron pong maliliit na races sa mga malls at parking lot, ngayon for the last 10 years, nag-grow na ang sport pero ang runbike siya po ang highest level na competitive," ayon kay Sofia Genato, K2P Runbike Racing Philippines director at pioneer sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports Forum kahapon.
Kasama ni Genato sa nasabing forum sina Jeff Cruz, Irvin Tan at Renee Principe at mga champion runbike racers na sina Noah Tan, Hudson Schoonmaker, Juan Dominique Uno Principe at Zoe Cruz.
Susunod na paghandaan ng K2P ang August 8-9 na international race sa Thailand at sa September at November, pati na rin ang pagdaraos ng iba't ibang runbike races sa Mindanao.





Comments