top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Coleman at Ajido lalangoy sa Youth Olympic Games

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9
  • 1 min read

by Gerard Arce @Sports News | July 9, 2026



AJIDO AT COLEMAN

 Photo:Ajido at Coleman



Sisisirin ng mga dekoradong swimmers na sina Riannah Chantelle Coleman at Jamesray Ajido ang kanilang kahusayan patungo sa 2026 Dakar Youth Olympic Games upang samahan ang iba pang miyembro ng Philippine national team sa ika-4 na edisyon simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13 sa Senegal.


Palalakasin ng dalawang batikang manlalaro na kumamada ng husto sa Palarong Pambansa matapos masiguro ang puwesto kasunod ng pagkuwalipika sa kani-kanilang swimming events.


Makakasama nina Coleman at Ajido, na nagkuwalipika sa women’s 100 meters breaststroke at men’s 100 meters butterfly, sina taijiquan wushu athlete Angel Polo, Maritanya Krog ng cycling at tracksters Pi Durden Wangkay at Naomi Marjorie Cesar.


Naunang inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na patuloy na lamang nilang inaabangan ang pagpasok ng ilang national athletes gayundin ang iba pang atleta mula sa artistic gymnastics at windsurfing matapos itong imungkahi ng kani-kanilang national sports associations (NSAs).


Pinamumunuan ng International Olympic Committee ang pag-oorganisa ng quadrennial YOG na naglaan ng siyam na University Places para sa Pilipinas, na may edad 15 hanggang 18 taon, para sa kabuuang siyam na spots sa naturang kompetisyon.


Kinabibilangan ng dalawang atleta mula sa athletics, isang woman cyclist sa road at individual time trial, tig-isang lalaki at babae sa artistic gymnastics, isa sa windsurfing, isa sa women’s taijiquan combined sa wushu at isang kinatawan sa men’s 100 meters butterfly at isa sa women’s 100 meters breaststroke sa swimming.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page