top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

WILLIE, NAPAGKAMALANG SCAMMER, GUSTONG SAPAKIN NG CALLER

BULGAR
Oct 17, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 17, 2021





Tawa kami nang tawa sa episode ng Wowowin last Thursday na napagkamalang scammer si Willie Revillame at ayaw siyang paniwalaan ng kanyang tinawagan.


Sa umpisa pa lang ay binabaan na siya ng telepono ng babae kaya’t tinawagan niya ulit ito.


Sa pangalawang call ay sinabi ni Willie na nanalo ang babae from Shopee at sey ng lucky caller, “Sige, scam pa!”


Nang sinabi ni Willie kung sino siya, hindi pa rin naniwala ang babae at ang sagot, “Talaga lang, ha?”


Nagmura pa ang babae sa pag-aakala ngang scammer siya.


Habang kinukumbinse ni Willie ang caller ay nabanggit nitong bagong panganak lang siya at kasalukuyan pang nasa lying-in clinic.


Dito na sumeryoso ang TV host at naintindihan niya kung bakit hindi makapaniwala ang kanyang kausap.


“Sorry, sorry. Si Kuya Willie mo ‘to, seryoso.”


Pero ayaw pa rin talagang maniwala ng caller.


“Lakas namang manloko, parang tanga, oh! Dingdong, sasapakin kita pag-uwi ko diyan,” sey ng babae. Tawanan.


Hindi na malaman ni Kuya Wil ang gagawin niya para ma-convince ang babae kaya kinantahan na lang niya ito ng Ikaw Na Nga. Saka pa lang naniwala sa kanya ang caller.


Anyway, sa nasabing show ay nagpahayag si Willie ng kanyang wish na sana raw ay magkaroon tayo ng eleksiyon na walang siraan.


Nagpasalamat din siya sa napakagandang mensahe na ipinadala sa kanya ni Senate President Tito Sotto.


“Maraming salamat po sa iyong message, nakakataba po ng puso. Saludo po ako sa ‘yo, Senador Sotto, salamat. Kababayan ko kayo, taga-Nueva Ecija, taga-Cabanatuan at isa lang naman ang ating lahi. Kahit na tayo artista, matulungin, mapagmahal sa kapwa. ‘Yun ang mga taga-Nueva Ecija.


“Senator Tito Sotto, marami pong salamat, mabuhay kayo!” sey ni Willie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page