top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

WILLIE, NAKIPAG-MEETING SA MGA BOSSING NG GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | October 8, 2026



BIDA - WILLIE, BALIK-GMA-7_IG _annettegozonvaldez

Photo: IG _annettegozonvaldez



Pasre-pareho ang reaction ng netizens nang makita ang photo post ni Atty. Annette Gozon-Valdes na kasama niya at ibang GMA executives na sina Joy Marcelo at Tracy Garcia si Willie Revillame. 


Tanong ng mga netizens, “Is Wowowin returning to GMA?”


Obvious na meeting ‘yun between Atty. Annette and the other GMA executives with Willie. Nakakaintriga rin ang overlay text ni Atty. Annette na ‘ABANGAN!’ at naka-tag ang MAVX Productions at WBR na production ni Willie.


Mababasa naman ang mga comments gaya ng… “‘Wag sanang ipapalit sa Family Feud ni Dingdong Dantes,” “Baka sa GTV ilalagay,” “Baka tapos na ang kontrata ng Family Feud at maipapalit na talaga ‘yan,” at “‘Wag sanang tanggalin ang Family Feud, family bonding na namin ang panonood ng show. Sa GTV na lang sana.”


May nag-comment naman ng “Tapos, lilipat uli. Hahaha!” “Wrong move ‘yan! Makakaagaw n’ya sa time slot ang Family Feud,” at “Hoping na magawan ng paraan na mapanood ulit s’ya sa main channel ng GMA Network if matuloy ang comeback ni Kuya Willie.”


Dahil pinaabangan ni Atty. Annette, tiyak nakaabang ang mga netizens sa update after ng meeting ng mga nabanggit. May excited na nga at babalik na raw ang pamimigay ng jacket ni Willie.





NAGSIMULA na ang shooting ni Anne Curtis ng pelikulang Remote at kasama sa announcement ng Evolve Studios PH ang ibang cast na makakasama ni Anne tulad nina John Arcilla, Ryza Cenon, Zeke Polina at Sid Lucero. Si Mikhail Red ang director nito at ang target playdate ay 2027.


Short lang ang announcement na, “The cameras are rolling for REMOTE. A film by Mikhail Red.” 


Sa article ng Variety, nakasulat ang “Paranoia thriller” at dito pa lang, parang kakabahan ka na sa kung anuman ang ibig sabihin nito.


Iba ang looks ni Anne sa look test nila ng kanyang mga co-stars na pati ang kapatid nitong si Jasmine Curtis-Smith, napa-comment ng “Holy cow, I had to look so many times!!! Leggoooo, sestra (Let’s go, sister).”


So, after BuyBust: The Undesirable (BBTU) to stream this 2026, ang Remote ang next project ni Anne na mapapanood. 


Ang BBTU ay action-thriller at ang Remote ay paranoia thriller. Puro thriller ang project ng aktres, kakaiba!





Kesa sa mga kaibigan…

JOSEPH MARCO, MAS PINILING MGA PUSA ANG KASAMA SA B-DAY



KAKAIBA rin ang birthday celebration ni Joseph Marco noong October 4 dahil sa halip na mga kaibigan ang kasama niya sa bonggang party, mga pusa!


Caption ng aktor: “I celebrated my birthday today surrounded by almost 600 beautiful souls. My heart is full. Thank you so much @josephaholics @josephelitesquad for making this day extra meaningful, and to @redcubspetpatrolph for welcoming us into your shelter.


“To my family, thank you for spending my special day with me.

“The greatest gift is being able to give love, even in the smallest ways. Truly a birthday I’ll never forget.”


Bumisita rin si Joseph sa PAWS Philippines at nag-a-adopt siya ng mga pusa. Ang dami na nitong alaga at wala siyang pinipili. Karamihan nga ay sa kalye niya nakikita at iniuuwi.


Laging nangangako si Joseph na aalagaan ang mga ina-adopt na pusa at lagi siyang may dalang cat food kapag lumalabas ng bahay, para may agad siyang ipakain kapag may napulot na pusa.


Well, madalas ay nagko-comment sa post ni Joseph sina Jona at Janno Gibbs na cat lovers din. Maraming fans ang nai-inspire ng aktor na mag-adopt din ng pusa dahil nakikita ang maganda niyang ginagawa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page