Kaya buhay na buhay uli… KRIS, MABENTANG ENDORSER KAHIT WALANG SHOW AT MOVIE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 24, 2026

Photo:IG / Kris Aquino
Maraming dapat ipagpasalamat si Kris Aquino sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan. Halos patapos na ang taong 2026 at naka-survive siya sa kanyang autoimmune disease.
Maraming magagaling na doktor ang tumututok at nag-aalaga sa kanya. At kahit mahirap ang kanyang pinagdaraanan sa gamutan ay pilit na kinakaya ni Krissy.
Ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban. Ang dasal ng kanyang mga prayer warriors ang patuloy na nagsasalba sa kanya.
Well, nagbigay din ng inspirasyon kay Kris ang patuloy na pagkuha sa kanya upang maging endorser ng malalaking produkto. Kahit wala siyang pelikula at TV shows ay nagtitiwala pa rin sa kanya ang malalaking kumpanya. At ‘yun ay isang malaking blessing sa kanyang buhay.
Ang maganda pa, kasama niya si Bimby sa kanyang mga endorsements.
AKTIBUNG-AKTIBO si Alma Moreno sa pangangampanya para sa anak na si Winwyn Marquez na isa sa Pinoy Big Brother Collab 3.0 housemates ngayon.
Lahat ng kakilala, kaibigan at maging ang mga residente ng Parañaque ay nilalapitan at pinakikiusapan ni Ness upang iboto si Winwyn once ma-nominate para magpatuloy sa Bahay ni Kuya.
Alam ni Alma na matindi ang suporta ng mga fans sa kanilang paboritong housemate. Kaya naman nakikipagsabayan siya upang maisalba sa possible eviction si Winwyn.
Maging si Joey Marquez ay todo-suporta upang makakuha ng boto ang anak.
Samantala, maraming viewers ang pabor na itigil na ang livestream ng PBB Collab 3.0. Nagagamit daw kasi ang livestream sa pamba-bash at pambu-bully sa ibang housemates.
Unfair ito sa ibang housemates na hindi nakakalaban nang patas. Nagiging personal na rin kasi ang paninira at panlalait ng ibang netizens.
Iniilusyon pa naman daw…
DAVID, SUPLADO RAW SA MGA BADING
LIKAS na business-minded ang Kapuso actor na si David Licauco. Kaya kahit kumikita na siya nang malaki sa kanyang pag-aartista ay hindi niya pinababayaan ang kanyang mga negosyong naipundar.
Bukod sa kanyang Kuya Korea Resto, may tatlo na rin siyang branches ng Sóbra Café. May negosyo rin siya sa real estate.
Maagang natutunan ng aktor ang pagpapatakbo ng negosyo at mahusay siyang humawak ng pera.
At this point of his life, financially secured na si David. Nakakatiyak na siya ng magandang future.
Hindi lang sa kanyang showbiz career umaasa ang aktor. Aware siya na hindi panghabambuhay ang kanyang kasikatan, kaya tutok siya sa kanyang mga negosyo.
Well, ginagawa niya ito upang mabigyan ng magandang future ang kanyang magiging pamilya.
Sana lahat ng artista ay katulad ni David na marunong magpahalaga sa kanyang kinikita.
Samantala, maraming nag-iilusyon na gays sa kanya ngayon. Ang lakas daw ng karisma ng aktor at mukhang mabango at malinis sa katawan.
‘Yun nga lang, mukha raw itong mailap at suplado sa mga bading.





Comments