top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Kung noon, ‘di raw naghahanda… SEN. ROBIN, TAUN-TAON NANG NAGSE-CELEBRATE NG B-DAY DAHIL KAY MARIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 24, 2026



TALKIES Kung noon, ‘di raw naghahanda… SEN. ROBIN, TAUN-TAON NANG NAGSE-CELEBRATE NG B-DAY DAHIL KAY MARIEL_FB Mariel Rodriguez-Padilla

Photo FB Mariel Rodriguez-Padilla



Ibinahagi ng aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang ika-57 kaarawan noong November 23.


Sa kanyang social media post, nagpahayag ng pasasalamat si Sen. Robin sa asawang aktres na si Mariel Rodriguez na siyang naging abala sa paghahanda ng kanyang birthday party.


Aniya, “Alhamdulillah (Praise be to God) sa panibagong taon ng buhay at biyaya.

“Sa totoo lang, lumaki akong ‘di sanay na naghahanda o nag-aabala para sa sarili kong kaarawan.


“Pero mula nang maging mag-asawa kami, binago ‘yun ni Mariel. Taun-taon, walang palya, inaako n’ya ang lahat—mula sa pagpaplano, pag-aasikaso, hanggang sa lahat ng gastusin (na s’yempre, ‘di ko na tinatanggihan).


“Mas higit pa sa handa, ipinaparamdam n’ya sa ‘kin taun-taon na karapat-dapat akong ipagdiwang.


“Babe, maraming salamat sa pagmamahal, sakripisyo, at pagiging pinakamagandang regalo sa buhay ko. At sa aking mga kapamilya at kaibigan na naglaan ng oras para makisaya, maraming salamat sa pagpaparamdam na ‘di ako nag-iisa sa pagtanda. Sobra ninyong pinataba ang puso ko (pati na rin ang tiyan ko)!”


Well, in fairness, lucky guy talaga si Sen. Robin kay Mariel. 

Happy birthday, Sen. Robinhood!





TATLONG dahilan ang ibinahagi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, anak ng komedyanteng si Bossing Vic Sotto, kung bakit patuloy na ipinatutupad ang Pamaskong Handog sa lungsod mula pa noong 2019.


Sa kanyang Facebook (FB) post, sinabi ni Mayor Vico na bukod sa PAGBIBIGAY NG KASIYAHAN sa mga Pasigueño, SIMBOLO RIN ITO NG PAGBABAGO dahil pantay-pantay ang natatanggap ng bawat pamilya at hindi na umiiral ang palakasan system.

Isa rin itong pagkakataon para masubukan ang mga bagong inobasyon tungo sa DATA-DRIVEN GOVERNANCE.


Ani Mayor Vico, “6-700 pesos worth of grocery items is not life changing. But better policy, starting with the simple things, leads to better outcomes and better services.”

Well, big tumpak ka r’yan, Mayor Vico.


Sana all, pantay-pantay ang natatanggap.

‘Yun lang, and I thank you.




Dahil sa mental health, gustong nakahiga lang… KIM, TAKOT MAKIHALUBILO SA MGA TAO, NAGKUKULONG SA BAHAY, NAGPAPA-THERAPY NA RIN



Matapos ang ilang buwang pananahimik, muling nagparamdam ang It’s Showtime (IS) host-aktres na si Kim Chiu sa pamamagitan ng isang bagong vlog kung saan ibinahagi niya ang kanyang pinagdaraanan nitong mga nakaraang buwan.


“I miss you all so much,” pahayag ni Kim sa kanyang latest vlog na inilabas sa kanyang YouTube (YT) channel noong November 22.


Sa nasabing video, na kinunan pa noong September 24, inamin ng aktres na naging emosyonal siya dahil sa mga nangyari sa kanyang buhay.


Ayon kay Kim, hindi maganda ang kanyang mental state kaya kinailangan niyang pansamantalang magpahinga sa trabaho.


Hindi raw niya inakalang darating siya sa puntong mahihirapan siyang gawin maging ang simpleng pagba-vlog.


Ibinahagi rin ni Kim na madalas lamang siyang manatili sa bahay at nakahiga dahil sa kanyang pinagdaraanan.


Pag-amin pa niya, natatakot siyang makihalubilo sa mga tao at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman.


Dahil dito, nagpasya siyang humingi ng tulong medikal at sumailalim sa therapy sessions.


Inamin din ng aktres na hinahanap-hanap niya ang dating masayahing sarili na kilala ng kanyang mga tagahanga.


Ipinaliwanag naman ni Kim na hindi niya ipinagkakait sa publiko ang mga nangyayari sa kanyang buhay, ngunit kinailangan lamang niyang pansamantalang tumigil sa pagbibigay ng updates dahil hindi rin niya maintindihan ang kanyang pinagdaraanan.

Sa kabila nito, tiniyak ni Kim na maayos naman siya at umaasa siyang makakabalik din sa lalong madaling panahon.


“I’m okay, and God will provide. I’ll be back soon, I guess,” pahayag pa ng aktres.

In fairness, deserve ni Kim ang peace of mind. Hoping to see her happy and bubbly self again.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page