Kaya nagtago after idemanda ang Ate Lakam… “I’M REALLY SCARED FOR MY LIFE” — KIM

ni Julie Bonifacio @Winner | November 24, 2026

Photo: YT Kim Chiu PH
Sa unang pagkakataon ay nagsalita na si Kim Chiu sa kasong isinampa niya laban sa ate niyang si Lakambini Chiu.
Isiniwalat ng aktres-host ang saloobin at nilalaman ng demanda niya sa kapatid sa kanyang YouTube (YT) channel.
Ang latest vlog ni Kim ay ini-record niya last September 24, same date nang humarap siya sa korte para sa first hearing.
Natagalan bago inilabas ni Kim ang video niya sa YT dahil sa maraming agam-agam na bumabalot sa kanyang kalooban. Una na r’yan ang takot.
“‘Di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Lagi lang akong narito sa bahay because I’M REALLY SCARED FOR MY LIFE,” pagtatapat ni Kim.
Posible raw na may natatanggap na death threat si Kim dahil sa kasong isinampa niya laban kay Lakam.
“Takot talaga ako. And ayoko talagang magsalita sa mga nangyayari ngayon,” mariing sabi pa ni Kim.
Nagpasalamat si Kim sa kanyang mga kapatid na sina John Paul at Twinkle pati na sa mister nito, na tumulong sa kanya na ituloy ang pagsampa ng reklamo laban sa ate nilang si Lakam.
“Because this is not right,” sabi ni Kim habang gumagaralgal ang boses.
Aniya, “This is so much money from the company itself. And this is just 124 counts of qualified theft. It’s just January to July 2025. Six months pa lang.”
Meaning, may malaking pera pa ang nawala sa company ni Kim, at baka pati ang personal money niya ay nagalaw sa natitirang bahagi ng 2025.
Pahayag pa ni Kim, “Ang tagal kong nanahimik for this. Ang dami ko nang nasabi, ‘noh, para sa taong ayaw magsalita. But du’n daw malalaman kung guilty or not guilty s’ya. ‘Di ko alam kung kailan ipapalabas ang vlog na ‘to but ‘pag napanood n’yo na, for sure, tapos na ‘yung hearing.
“But I just want all of you to know what’s happening in my life, a little. And ‘yun lang, guys. And I miss you all so much. And madami nang nangyari.
“I’m okay and God will provide. I’ll be back. Soon, I guess. ‘Di ko alam. This is just a quick update of my life right now.”
‘Yun na!
Utol, ala-Daniel daw, cheater…
MAGUI, MAY IBANG LALAKING KASAMA SA BEACH HABANG NASA PBB SI ROBBIE, IN-UNFOLLOW NA
TRENDING topic ang pag-unfollow daw ng ex-Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) housemate na si Robbie Jaworski sa girlfriend niyang si Magui Ford.
Diumano, nag-cheat si Magui habang nasa loob ng Bahay ni Kuya si Robbie. May kumalat daw online na screenshots ng picture nito na may ibang kasama sa beach.
Ngayong nag-unfollow na raw si Robbie kay Magui, in-unfollow na rin umano siya ng girlfriend.
Sey ng mga netizens:
“Oh, so mukhang totoo ‘yung tsismis.”
“THIS is so sad. I know Robbie has some issues inside PBB because he’s not perfect. Still, no one deserves to be cheated like this, especially na bukambibig ni Robbie si Magui na miss na miss n’ya and how he loves her, pero uuwi na may iba na pala. So sad (sad emoji).”
“Despite his previous issues sa loob, I say nakakaawa s’ya sa part na ‘to.”
Dahil sa cheating issue ni Magui, nadawit ang pangalan ni Daniel Padilla.
Sey ng isang netizen, “So? Like brother, like sister pala ang mga Ford fam? Gosh! Mga cheater pala na literally na inborn? (crying emoji).”
Oh, well, nakaka-sad nga.
But at least, hindi na masisisi ang PBB sa kinalabasan ng relasyon nina Robbie at Magui, if true.
Kaya huwag baluktutin ng mga netizens ang mga kuwento sa loob ng Bahay ni Kuya, especially during the livestream ng PBB. Hindi tama na bigyan ng masamang kahulugan ang mga sinasabi ng mga housemates at husgahan sila sa social media.
Kaya binuksan ng ABS-CBN at GMA ang livestream mula sa Bahay ni Kuya ay para mas makilala ng mga manonood ang housemates, malaman ang kanilang mga kuwento, at maintindihan at matutunan ang mga pinagdaanan nila sa buhay.
At hindi para sirain ng mga iresponsableng mga netizens na inaabuso at sinasamantala ang livestream para gumawa ng mali, malisyoso at mapanirang kuwento tungkol sa housemates na maituturing nang libelous.
Dahil sa gayung iresponsableng gawain ng mga netizens at para sa kaligtasan at kapakanan ng housemates at kanilang mga pamilya, nagdesisyon ang ABS-CBN at GMA na itigil ang lahat ng livestream ng PBBC3.0 simula noong Sabado, Nobyembre 21.
Dapat i-enjoy lang ang panonood at gawing positibo o good vibes ang social media interactions ng lahat.
Patuloy nating subaybayan ang kuwento ng mga housemates sa regular na PBB episodes na official digital content at sa bagong iWant PBB Extra.





Comments