top of page
Search
  • BULGAR

WILLIE, NAGBAGO ANG ISIP, ATRAS NANG MAG-SENADOR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 12, 2024



Dahil magkakaroon na nga siya ng bagong show sa TV5, nakapagdesisyon na raw si Willie Revillame na kalimutan na ang pagpasok sa pulitika.


Matatandaang noong nakaraang Enero ay nagpahayag ang TV host ng interes sa pulitika sa darating na 2025 elections at aniya, sa tingin niya ay ready na siyang kumandidatong senador.


Pero, dahil nga sa nagkaroon sila ng pag-uusap kamakailan ng Media Quest ng TV5 tungkol sa pagkakaroon ng bagong show, nagbago na rin ang isip ni Willie tungkol sa pagpasok sa pulitika.


Sinabi ito ni Cristy Fermin sa kanyang latest vlog na Showbiz Now Na kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.


“Ayon sa isang source na nakausap ko, actually, maraming sources ito na nagsabi na bibitiw na sa pulitika si Willie. Iiwan na niya ‘yung kanyang pangako ilang buwan na ang nakararaan na puwedeng-puwede na raw siyang tumakbo para senador,” sey ni 'Nay Cristy.


“Ngayon po, wala na po ‘yun. Dito na po ulit siya sa pagbabalik-telebisyon at pagbabalik sa pagbibigay ng saya sa ating mga kababayan,” patuloy pa ni CSF.


Tungkol naman sa upcoming show ni Willie sa Kapatid Network, ibinalita rin nilang next week na pipirma ang TV host ng kontrata sa Media Quest.


Aniya, “Inayos lang po muna ang maraming rekotitos dahil ano ‘to, eh, sosyohan ito ng produksiyon ni Willie at ng Media Quest.”


Dagdag pa niya, “Pero kumpleto na, nakaparada na lahat ang gagawin kaya wala nang problema. Pipirma na siya ng kontrata sa Media Quest.” 


Sabi pa ni 'Nay Cristy, dapat daw ay noong nakaraang linggo pa nagkapirmahan pero may mga lawyer-to-lawyer na pag-uuusap pa raw na naganap.


“'Yung mga pag-uusap, tapos ‘yung mga hatian, ‘di ba? ‘Yung titulo, ‘yung mga magiging atake ng kanyang programa.


“Eh, ngayon po, plantsado na talaga kaya tuloy na tuloy po si Willie Revillame sa Media Quest,” sey ni 'Nay Cristy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page