top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

WILLIE, NAG-DONATE NG TIG-P1 MILYON SA IBA’T IBANG BAYAN SA SIARGAO

BULGAR
Dec 27, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | December 27, 2021




Ilang araw na hindi napanood nang live si Willie Revillame sa Wowowin dahil personal siyang lumipad ng Siargao noong Dec. 22 para mamahagi ng kanyang tulong-pinansiyal sa naturang lugar na labis naapektuhan ng bagyong si Odette.


Dalawang helicopters ang dala ni Willie na lumipad sa Siargao as early as 7 AM noong Dec. 22 at siya pa mismo ang nagmaneho ng isa niyang chopper.


Bukod sa tig-P200,000 na ibinigay ni Kuya Wil sa ilang isolated na barangay sa Siargao, nagbigay din ang TV host ng tig-P1 milyon sa siyam na munisipalidad tulad ng Dapa, Burgos, Del Carmen, General Luna, San Benito, San Isidro, Pilar, Santa Monica, at Socorro.


"Nagbigay ako ng personal kong pera sa siyam na mayors, tig-P1 million. Sabi ko, bubong at pagkain ang kailangan, so 'yun muna. Uuwi ako ngayon para ma-withdraw 'yung pera, mapirmahan ko 'yung tseke para bukas dadalhin dito 'yung P9 million kasi gusto ko itong Pasko, meron na silang makakain,” saad ni Willie sa panayam ng 24-Oras.


Kuwento naman ng veteran columnist-radio and TV host na si Cristy Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute, labis daw naantig ang damdamin ni Willie nang makita ang mga batang gutom na gutom, walang gatas o tubig man lang.


“Sabi nga raw niya, unang-unang baba niya pagkita niya, ‘Thank you, Lord, napakasuwerte ko po.’ Pero sa likod ng salitang ‘yun, umiiyak ang puso niya sa kanyang mga nakikita,” saad ni ‘Nay Cristy.


Dagdag pa niya, “Alam mo, sabi nga ni Willie, ‘di ba, ‘Ano naman ako ngayon, pinagpapala naman ako, blessed naman ako, komportable naman ang buhay ko, puwede sigurong tumulong naman ako sa paraan na kahit paano’y kaya ko.’


“Naku, Willie, hindi ‘Kahit paano’y kaya ko ‘yan.’ Sa 9 na mayors pa lang ng Dinagat, 9 million (pesos) na, pambili ng pako, semento, bakal.”


True naman. Hindi naman talaga biro ang P9 M na inilabas ni Willie mula sa kanyang sariling ipon. Kaya naman patuloy na binibiyayaan ang TV host ng ating Panginoon dahil sa ibang klase talaga ang kabutihang-loob niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page