WILBERT, UMAMING MARAMING INDECENT PROPOSALS SI HERLENE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 21, 2023

Samantala, nakausap din namin sa Kavougera launch ang businessman-vlogger na si Wilbert Tolentino, ang dating manager ni Herlene “Hipon Girl” Budol.
Aniya, kahit naman tapos na ang kontrata sa kanya ni Herlene, siya pa rin ang itinuturing nitong manager at sa kanya pa rin kumokonsulta ng mga desisyon nito pagdating sa kanyang career.
Happy si Wilbert sa nangyayari sa showbiz career ni Hipon Girl na nabigyan ng malaking opportunity sa GMA-7 via Magandang Dilag, kaya siya rin pala ang nagpayo sa dating alaga na ‘wag na munang mag-love life at unahin na lang ang career.
Pinayuhan din niya si Herlene na ‘wag na munang sumali uli sa mga beauty pageants at i-enhance muna ang kaalaman sa pamamagitan ng mga training dahil nakikita niyang marami pang dapat i-improve si Herlene lalo na sa speech nito.
Bilang dating manager ni Herlene nu’ng nag-join ito sa Bb. Pilipinas, tinanong namin si Wilbert kung may mga na-receive ba silang indecent proposals mula sa mga businessmen at pulitiko na gustong maka-‘date’ ang beauty queen-actress.
Diretsong pag-amin ni Wilbert, super-dami nga raw indecent proposals kay Herlene, pero siya na ang ‘bumabardagul’ sa mga nag-aalok at nag-iisip na ‘pa-booking’ ang kanyang alaga.
Siya na ang nagpatunay na medyo jologs talaga ang personality ni Herlene pero may values ito at hindi pa-booking.
Sa ngayon, may mga naka-line-up nang projects si Herlene after Magandang Dilag at wish niyang magtuluy-tuloy ang magandang career nito.





Comments