Wholesome vs. palaban… JILLIAN, TAOB KAY ANDREA NA MARAMING ENDORSEMENTS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 28, 2024

May ilang grupo ng fans ang pinagsasabong ngayon sina Jillian Ward at Andrea Brillantes.
Mas magle-level-up daw nang husto ang career ng dalawang young stars kung mag-iingay ang kani-kanilang fans. 'Yung tulad ng salpukan noon nina Nora Aunor at Villma Santos, Maricel Soriano at Snooky Serna.
Pero, ayon sa ilang netizens, magkaibang-magkaiba naman ang personalidad nina Jillian Ward at Andrea Brillantes. Wholesome ang image ni Jillian na nagustuhan ng mga viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap, samantalang si Andrea ay sobrang makabago at agresibo.
Kontrobersiyal din ang naging relasyon ni Andrea sa basketball player na si Ricci Rivero.
At ngayon, inili-link din si Andrea kay Daniel Padilla. Inaakusahang third party sa relasyon ng KathNiel. Isa raw siya sa mga dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Palaban at dedma si Andrea sa mga bashers. Ginagawa niya ang kanyang gusto at namumuhay nang solo sa kanyang condo.
Ang mga kontrobersiya sa buhay ni Andrea ang dahilan kaya lagi siyang in the news ngayon. Pero bentahe naman ito sa kanyang career. Kinukuha siya sa mga product endorsements at may TV projects na rin.
Samantala, si Jillian ay panatag at masaya dahil consistent na top-rated ang afternoon soap niyang Abot-Kamay Na Pangarap. Mahigit isang taon nang umeere sa GMA-7 ang AKNP at marami pang celebrities ang magge-guest sa serye.
Ang tanong, kakasa ba si Jillian Ward sa hamon vs. Andrea Brillantes? Sino sa kanila ang mas maraming fans and supporters? Bakit wala siyang malalaking product endorsements tulad ni Andrea?





Comments