Wedding bann, ipinost ng simbahan sa Facebook… KASALANG TOM AT CARLA, SA OCT. 23 NA SA BATANGAS
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 14, 2021

Bago pa man ianunsiyo ng engaged showbiz couple na sina Tom Rodriguez and Carla Abellana ang date ng kanilang kasal, naunahan na sila ng isang parish church sa Talisay, Batangas.
Sa Facebook account ng San Guillermo Parish Church ay naka-post ang wedding bann nina Tom and Carla kung saan ay nakalagay ang detalye ng kasal, pati na ng ikakasal. Nakasaad na sa October 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel, Tagaytay Midlands gaganapin ang pag-iisang-dibdib.
Pinag-usapan agad ang nasabing post at na-pick-up na ng iba’t ibang fan and showbiz websites.
Sa kanyang Instagram page ay nag-release agad ng paglilinaw si Carla hinggil dito. Aniya ay requirement daw talaga ang wedding bann sa mga Catholic churches.
“Hello everyone! A WEDDING BANN is a Church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a wedding permit,” ang pahayag ni Carla sa kanyang IG Story.
Inilagay din niya sa ibaba ang definition ng wedding bann mula sa encyclopedia at sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Ayon sa definition ng Brittanica, “Banns of marriage, public legal notice made in a church proclaiming an intention of impending marriage with the object that persons aware of any impediment to the marriage may make their objection known.”





Comments