ni Nitz Miralles @Bida | January 22, 2024
Ang daming napag-usapan sa interview ng Cosmopolitan kay Sarah Lahbati na cover girl ng January issue ng magazine. Isa rito ang usapin sa pananalapi.
Natanong siguro si Sarah sa isyung waldas siya sa pera at maayos ang kanyang sagot sa isyung ito.
“I think when you work hard for your own money, you don’t owe anyone any explanation. You work so hard to do what? To explain yourself? No, if you have a job and you work so hard, then you don’t have to explain yourself to anyone. Just do your thing, whatever it is that you want to do,” pahayag nito.
Anyway, balik-acting si Sarah sa drama series na collab ng Viva at TV5, ang TV adaptation ng action-drama movie na Lumuhod Ka sa Lupa.
Kasama niya rito sina Jackielou Blanco, Kiko Estrada at Sid Lucero.
Ang biro ng mga fans kay Sarah, may wawaldasin na naman siya, galing sa talent fee sa drama series.
Comments