top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Walang tigil ang pagseserbisyo at malasakit para sa mga Pinoy

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 8, 2021
3 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo |December 08, 2021



Sa kabila ng desisyong hindi ituloy ang aking kandidatura sa pagka-Pangulo sa paparating na eleksiyon, nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang ipaabot ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagpakita ng suporta sa aking pagtakbo sa pagka-Pangulo. Naging masakit man ang mga biglaang pangyayari at marami man ang nadismaya, pinanindigan ko ang aking desisyon para sa ikabubuti ng lahat.


Habang hindi pa ako formally nagwi-withdraw, kailangang ipaintindi nang mabuti at dahan-dahan sa mga supporters ang desisyong ito. Tulad ng sabi ko, nagre-resist talaga ang aking puso at isipan sa pagtakbo as president. Kung desidido akong tumuloy, sana ay hindi ko na idineklara na magwi-withdraw ako. Relax lang kayo. Sana ay respetuhin n’yo na lang ang kahilingan ko.


Sinabi naman ng COMELEC na hanggang May 9 ay puwede na formally mag-withdraw.


But, as a matter of principle, do not consider me as a candidate anymore dahil nakapagsalita na ako.


Ang nagmamadali lang naman dito na mag-withdraw ako formally ay ang mga kalaban.


Huwag na kayong magduda dahil nagpapakatotoo ako sa tunay na saloobin ko.


Tunay na magulo ang mundo ng pulitika at mabigat ang naging epekto nito sa aking pamilya, lalo na nitong mga nakalipas na taon. Kaya, sa aking kagustuhan na respetuhin ang kanilang hiling at protektahan si Pangulong Rodrigo Duterte na labis na mahihirapan sa mga pangyayari, minabuti ko na lang na hindi ituloy ang pagtakbo sa pagka-Pangulo.


Sa mga patuloy na naghihintay sa labas ng Commission on Elections at umaasang magbabago ang aking isip, nakikiusap po ako: Umuwi na kayo, lalo na’t may pandemya pa tayong hinaharap. Importante na ligtas ang bawat isa sa inyo at ayaw ko maging sanhi ng inyong pagkakasakit kung saka-sakali.


Gamitin na lang natin ang nalalabing oras sa termino ng Pangulo upang palakasin at palawakin ang mga benepisyong natatanggap ng ating mga kababayan. Suportahan natin si Pangulong Duterte hanggang sa dulo. Huwag nating hayaan na masayang ang ating pinaghirapan upang mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino, anumang pagsubok ang haharapin natin.


Huwag kayong mag-alala dahil hindi ako mawawala o titigil sa pagseserbisyo sa ating kapwa.


Kasalukuyang nag-iikot ako at ang aking tanggapan sa iba’t ibang sulok ng bansa upang mag-abot ng tulong, mapakinggan ang hinaing ng mga walang matakbuhan, at magbigay ng solusyon sa kanilang mga suliranin. Sisiguraduhin nating walang maiiwan sa ating pag-ahon mula sa pandemya, kalamidad at iba pang hindi inaasahang pangyayari.


Samantala, hinggil sa ating pakikipaglaban sa pandemya, masaya akong ibalita na meron nang kabuuang 92.75 milyong doses ang naiturok, as of December 6, na kung saan 53.49 milyong Pilipino ang nakakuha ng kanilang unang dose at 38.7 milyon namang kababayan natin ang fully vaccinated na. May mahigit 561,000 booster shots naman ang naiturok. Ang bansa natin ay nakatanggap na rin ng kabuuang 149.07 milyong doses ng bakuna.


Bagama’t mahirap tanggapin ang aking desisyon tungkol sa hindi na pagtakbo bilang Pangulo, matatag ang aking pananampalataya sa Diyos na hindi niya tayo pababayaan basta gawin lang natin ang tama at makabubuti sa kapwa. Ang Panginoon lang ang nakakaalam kung saan tayo dadalhin ng ating tadhana.


Sa ngayon, patuloy lang tayo sa pagseserbisyo. Hinding-hindi mawawala ang aking atensiyon sa mas mahalagang bagay, lalo na’t may tungkulin pa akong dapat gampanan para sa ating bayan.


Sa magiging susunod na administrasyon, maipagpatuloy n’yo sana ang mga magagandang programa na nasimulan ni Pangulong Duterte lalo na ‘yung mga inaasahan ng mga mahihirap.


Ang tunay na serbisyo para sa kanila ang rason kung bakit tayo nandirito sa gobyerno.


Iba-iba man ang ating kulay sa pulitika, iisa pa rin ang ating hangarin bilang mga Pilipino. Kaya patuloy na lang po tayong magmalasakit at magbayanihan alang-alang sa buong sambayanan.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page