top of page
TEKA NGA - PASABOG NI XIAN GAZA NA NANGHIRAM NG CONDO AT LUXURY WATCHES SI ALDEN, SUPOT-FB

Twice a year lang daw nagso-Showtime… VICE, ISINUMBONG SI ANNE KAY CHARO

Writer: BULGAR
BULGAR
45 minutes ago
4 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 26, 2026



TALKIES - VICE, ISINUMBONG SI ANNE KAY CHARO-YT Its Showtime

Photo: YT Its Showtime



Nag-duet ang dalawang big executives sa showbiz industry na sina Ma’am Charo Santos-Concio at Atty. Annette Gozon-Valdes bilang bahagi ng 17th anniversary episode ng It’s Showtime (IS).


In fairness, alam naman ng lahat na mahusay na artista si Ma’am Charo, pero nagulat din ang madlang people dahil magaling kumanta si Ma’am Annette.


Bukod sa magandang boses, kapansin-pansin din ang blooming nitong aura.

Sey ni Ma’am Charo habang nakangiti, “Oh, ‘di ba, ‘di ninyo ine-expect ang duet namin? Dapat talaga, kasama kami sa Kapuso at Kapamilya showdown kahapon.”


Sey naman ni Atty. Annette, “At dito sa Showtime, always fun, pero minsan may serious side rin naman, lalo na ‘yung mga kuwentuhang kapupulutan ng aral at inspirasyon.”


Samantala, wagi naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang ‘Best Actress In An Eme-eme Consideration Role’. Hindi ito matanggap ni Anne Curtis.


Sa kanilang kuwentuhan, pabirong tinanong ni Vice si Ma’am Charo na nagbigay ng award tungkol sa madalas na pag-absent ni Anne.


Ani Vice, “Ma’am Charo, dalawang beses lang po ‘to pumasok sa loob ng isang taon! Dito sa 17th year, I think this is due time that you address this issue in front of this girl.”


Seryosong tanong naman ni Ma’am Charo kay Anne, “Ano ba talaga, Anne? What are your priorities after your family?”


Sagot ni Anne na parang eksena sa pelikula, habang may luha sa mga mata, “Actually, meron akong gustong sabihin sa inyo, madlang people!


“I just have so much in my heart, so much stress, pain. But Showtime will always have a very special place in my heart.”


Tinanong naman ni Ma’am Charo si Vice kung naramdaman nito ang sinseridad ni Anne sa kanyang emosyonal na pahayag.


Sey ni Vice, “‘Di lahat ng bagay nadadaan sa luha, ‘di lahat ng bagay nadadaan sa salita. ‘Di mo puwedeng sabihin sa isang taong mahal mo s’ya pero ‘di naman ito nararamdaman. ‘Di mo naman puwedeng sabihin sa mga tao na nandito ka pero ‘di ka naman nakikita.”


Samantala, si Vice naman ang nagtanong kay Ma’am Charo tungkol sa reaksiyon nito sa eksena nila ni Anne.

Sey ni Ma'am Charo habang nakangiti, “Napakagaling, dapat na tayong gumawa ng pelikula.”


‘Yun naman pala, madlang people, ipinakita lang nina Anne at Vice ang kanilang husay sa pag-arte, na talaga namang nagustuhan ni Ma’am Charo.

Pak na pak!





‘Wag daw silang pag-awayin…

SOFIA, IKINUKUMPARA SA HIPAG NA SI ELLA, TUMALAK SA SOCMED



“I have never viewed family as a competition,” pahayag ng aktres na si Sofia Andres sa kanyang social media bilang tugon sa isang tabloid article na kumuwestiyon sa relasyon nila ng kanyang hipag na si Ella Miranda, anak ng aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Ani Sofia, “I want to make one thing clear. Standing up for myself and my family does not mean I am against anyone.


“I have never viewed family as a competition. We all have different journeys, circumstances, and ways of building our lives.


“Please don't turn my love for my family into a conflict that I never intended to create. I can celebrate other people's happiness while being equally proud of my own.


“There is no competition here. There never was. Let’s stop comparing women, relationships, and families. We can all exist, grow, and be happy without putting someone else down.”

Sey kasi ng iba ay kontra raw ang aktres sa relasyon nina Ella at Enrique Lhuillier Miranda.


At least, malinaw na walang isyu kina Sofia at Ella. ‘Yun na!





BIBIDA sa vertical serye ang Kapamilya actress na si Jane Oineza bilang sunud-sunurang asawa, na matutuklasan ang kanyang itinatagong alindog para maghiganti sa mister niyang taksil sa bagong iWant affair drama na The Perfect Wife (TPW), na mapapanood simula Oktubre 30 (Biyernes).


Bukod sa pagtataksil at paghihiganti, iikot din ang vertical serye sa tema ng women empowerment na ipapakita sa pagbabago ng karakter ni Jane, na makikita ang kanyang tunay na halaga higit sa pagiging simpleng maybahay.


Sa produksiyon ng JRB Creative Production, sesentro ang serye kay Jem (Jane), na isinakripisyo ang kanyang matagumpay na karera para maging butihing asawa ni Aries (Rafael Rosell). Ngunit matutuklasan niya ang pagtataksil ni Aries at malalamang kalaguyo nito ang socialite na si Rafaela (Aya Fernandez).


Dahil dito, nagpasya siyang baguhin ang kanyang sarili para mahalin muli ni Aries. Dito niya makikilala si Diane (Tootsy Angara), isang separada na makikisimpatya sa kanyang pinagdaraanan. Kaya naman, magsisilbi siyang fairy godmother ni Jem na magiging susi sa pagtuklas muli ng kanyang alindog at tutulong sa paglantad ng kataksilan ng kanyang asawa.


Ang TPW ang pinakabagong vertical affair drama serye ng iWant magmula nang ipalabas nitong taon ang Twist of Fate, na pinagbidahan din ni Rafael kasama sina Yen Santos, Angelica Lao, at Tony Labrusca.


Panoorin ang bigating glow-up ni Jane bilang The Perfect Wife, na mapapanood ang lahat ng episodes simula Oktubre 30 sa iWant. Libre namang ipapalabas ang unang limang episodes nito sa TikTok, Facebook (FB), at YouTube (YT) pages ng iWant at ABS-CBN Entertainment.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page