ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | September 7, 2024
Sa susunod na linggo, isa na namang hearing ang isasagawa ng Senate Committee on Health na tayo ang chairman. Muli nating bubusisiin ang kahahantungan ng P89.9 bilyon na excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nasimulan nang ilipat sa National Treasury. Parte ito ng P500 bilyon na reserve fund din ng PhilHealth.
Mahigpit natin itong tinututulan dahil hindi katanggap-tanggap na habang patuloy ang pagdami ng mga mahihirap na pasyenteng naghihingalo at nangangailangan ng tulong, malaking pondo pala ng PhilHealth ang nakatengga na, gagamitin pa sa ibang bagay bukod sa pagprotekta sa kalusugan ng ating mga kababayan. Sabihin man nila na legal ito, but for me, it is morally unacceptable! Unahin natin ang kalusugan dahil katumbas iyan ng buhay ng bawat Pilipino!
Ang lagi nating paalala sa PhilHealth ay gamitin ang nakalaang pondo para sa pangangailangang pangkalusugan ng mga Pilipino. Ang pondong para sa health ay dapat gamitin para sa health!Kaya muli nating ilalatag sa kanila ang mga panukalang reporma sa ahensya gaya ng pagtataas ng kanilang case rates, pagpapalawak ng benefit packages, pag-aalis ng Single Period of Confinement Policy, at pagbaba ng premium contributions ng mga miyembro lalo na’t nadiskubre nating sobra-sobra naman pala ang pondo na hindi napapakinabangan ng mga maysakit. Sa mga nakaraang pagdinig, sinabi ni PhilHealth President and CEO Mandy Ledesma na irerekomenda niya sa Pangulo ang pagpapababa sa premium contribution rates ng mga miyembro. Pero sa sumunod na hearing, sinabi nilang pinag-aaralan pa lang nila. Inaasahan natin na sa muli naming paghaharap sa Senado sa September 10 ay mayroon nang konkretong aksyon na maririnig mula sa kanila.
Samantala, hindi tayo tumitigil sa paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan lalo na ngayon na marami sa kanila ang tinamaan ng bagyo.Bumisita tayo sa Pangasinan noong September 5 at personal na sinaksihan ang inagurasyon ng Super Health Center sa San Fabian.
Pinangunahan natin ang pagkakaloob ng tulong sa 1,000 na nawalan ng hanapbuhay, bukod sa pansamantalang trabaho na isinulong natin para sa kanila, kabilang ang mga barangay health worker, kasama si Mayor Marlyn Agbayani.
Bagama’t naantala ang aking pagbisita sa bayan ng Basista dahil sa masamang panahon, pinangunahan naman ng aking Malasakit Team ang pamamahagi ng tulong sa 1,000 na nawalan ng hanapbuhay, bukod sa pansamantalang trabaho na isinulong natin para sa kanila katuwang si Mayor Jolly Resuello. Ininspeksyon din ng aking opisina ang itinayong Super Health Center at ang renobasyon ng Basista Municipal Building na ating isinulong na mapondohan.
Nagpapasalamat naman tayo sa pagkilala sa atin bilang adopted son ng mga bayan ng San Fabian at Basista, bukod sa pagiging adopted son din ng probinsya ng Pangasinan. Isa itong malaking karangalan.Sinaksihan din ng aking opisina ang groundbreaking ng Super Health Center sa Valderrama, Antique upang mailapit ang pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga kababayan.
Kahapon, September 6, pinangunahan natin ang pamamahagi ng tulong sa 335 residente ng Mati City na nawalan ng hanapbuhay katuwang si Mayor Michelle Rabat at sa 1,000 mahihirap na residente kasama sina Vice Mayor Enzo Rabat, Coun. Tara Rabat-Gayta at Coun. Alexander Alcantara. Bukod dito, nagkaloob tayo ng tulong sa 1,500 mahihirap katuwang sina Brgy. Chairman Danny Macaubos at Councilor Jimboy Dayanghirang.Dumalo rin tayo sa ginanap na Senate Public Hearing at Ocular Inspection sa nangyayari sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound sa Davao City sa pamumuno ni Senator Bato dela Rosa kasama si Senator Robin Padilla. Idiniin ko sa pagdinig ang pagrespeto sa karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Kilala ang Davao City bilang isang mapayapang siyudad na nirerespeto ang relihiyon at kalayaan ng mga residente nito. Iginagalang ko ang tungkulin ng mga pulis ngunit umaapela ako na respetuhin din sana ang kagustuhan ng mga mamamayan na mabuhay nang tahimik.
Tuluy-tuloy naman ang aking Malasakit Team sa pag-alalay sa mga kababayan nating nahaharap sa iba’t ibang krisis tulad ng mga naging biktima ng sunog kabilang ang 22 sa Brgy. Payatas, Quezon City; at 110 sa Brgy. San Isidro, Parañaque City.
Namahagi rin tayo ng food packs sa mga naging biktima ng Bagyong Enteng. Sa Laguna, nahatiran natin ang 250 sa Famy katuwang si Mayor Lorenz Rellosa; 250 sa Paete kasama si Mayor Ronald Cosico; at 400 sa Mabitac kaagapay si Mayor Al Reyes. Sa Albay, nabigyan din ang 800 residente katuwang sina Gov. Edcel Lagman, Jovellar Mayor Boy Archangel, BM Vic Ziga, at Libon Mayor Das Maronilla. Napagkalooban din ang 500 sa Catanduanes katuwang si Gov. Boboy Cua; at 200 sa Bulan, Sorsogon kasama si Vice Mayor Chezka Robles.
Binalikan naman natin ang mga residenteng naapektuhan ng sakuna at kalamidad kabilang ang 14 sa Navotas City; at 60 sa Malabon City. Nagbigay tayo ng tulong bukod pa sa emergency housing assistance na ating isinulong kasama ang National Housing Authority para may pambili sila ng materyales sa pagpapaayos ng kanilang nasirang tahanan.
Binigyan din natin ng dagdag na tulong ang 500 sa Villaverde, Nueva Vizcaya katuwang si BM Jose Tam-an; 250 sa Siquijor kasama si VG Mei Ling Quezon-Brown; at 1,000 sa Bacolod City, Negros Occidental.
Nagbigay din tayo ng suporta sa mga nawalan ng hanapbuhay bukod sa pansamantalang trabaho na ating isinulong para sa 66 na benepisyaryo sa Koronadal City, South Cotabato katuwang si Brgy. Captain Eleanor Borje; 84 sa Sariaya, Quezon kasama si Councilor Arlene Genove; 53 sa Concepcion, Tarlac kaagapay si Vice Mayor Carla Bautista; 519 sa Urbiztondo, Pangasinan katuwang si Mayor Moding Operania; at 50 sa San Nicolas, Batangas kasama si VM Napoleon Arcel. Sa Romblon, 90 sa Odiongan kasama ang mga konsehal na sina Quincy Bantag, Ricmel Falqueza, at Manuel Fernandez. Jr; 30 sa San Fernando sa pakikipagtulungan ni Councilor Cedric Renion; at 30 sa Magdiwang katuwang si Vice Mayor Antonio Menese at Councilor Carlo Rey.
Bilang inyong Mr. Malasakit na ang tanging bisyo ay magserbisyo, hindi tayo titigil sa pagtulong sa abot ng ating makakaya, at sa pagsusulong ng mga inisyatiba na poprotekta sa buhay, kalusugan at kapakanan ng ating mga kapwa Pilipino. Bisyo ko ang magserbisyo, at naniniwala ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Comentarios