Walang paramdam… GRETCHEN, BIGLANG NAGLAHO, WANTED
- BULGAR
- Nov 28, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 28, 2022

Maraming taga-showbiz ang naghahanap ngayon kay Gretchen Barretto. Marami ang labis na nagtataka kung bakit biglang nanahimik at hindi na nagpaparamdam si La Greta.
Noong panahon ng COVID pandemic ay malaki ang naitulong ni Gretchen sa mga movie workers at pati na sa entertainment press. Maraming nabigyan ng Love Box ni Gretchen at pati ng ayudang bigas at groceries.
Pati wheelchair ay namigay din siya sa mga nangangailangan.

Ilang buwan ding hindi nagpaparamdam si La Greta kaya naman marami ang naghahanap at nakaka-miss sa kanya.
At dahil magpa-Pasko na, hinahanap na si Gretchen Barretto. Sana raw ay muling magparamdam si La Greta at pasayahin ang maliliit na movie workers.
Magsilbi sanang Santa Claus si Gretchen Barretto. Hindi malilimutan ng mga taong kanyang natulungan ang mga nagawa ni La Gretta kaya lagi siyang ipinagdarasal ng mga ito.





Comments