top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lider ng grupo, napuno na… ROCHELLE SA SEXBOMB GIRLS: PAGOD NA PAGOD NA AKONG MAGING P.A. N’YO!

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 23, 2026



SHEET - ROCHELLE SA SEXBOMB GIRLS- PAGOD NA PAGOD NA AKONG MAGING P.A. N’YO!_IG _rochellepangilinan

Photo: IG _rochellepangilinan



Dahil music teacher ang role ni Rochelle Pangilinan sa pelikulang Apol of My Ai ay kinailangan niyang mag-aral ng Kundiman para rito.


Seryoso ang karakter niya sa pelikula at malayo ito sa nakasanayang ginagawa niya bilang Sexbomb dancer.


“Oo, mapapakanta ako rito, ‘di ako mapapasayaw,” natatawang sabi ng aktres.

Ang Apol of My Ai ay idinirek ni Thop Nazareno at entry sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 na mapapanood na simula ngayong araw, Setyembre 23, hanggang Oktubre 4 sa Gateway Cineplex 18, TriNoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay, at Market! Market!.

Galing na galing si Rochelle sa mga co-actors niya.


“Si Zion (Cruz), ang galing ng batang ‘yun. First time ko ring makatrabaho si Zanjoe (Marudo) at ang napakagaling naming direktor na si Direk Thop. Sana ay mapanood ninyo ang movie namin,” papuri ni Rochelle.


Kasama rin sa pelikula sina Jacob Kawagdan, Mads Nicolas at Kat Galang.

Nakausap namin ang aktres-dancer sa nakaraang CinePanalo Film Festival 2026 mediacon na ginanap sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2.


Muling naisingit ang tanong tungkol sa gusot nila ng ibang miyembro ng Sexbomb.

Sey ni Rochelle, “Kung anu’t anuman, nasagot ko na lahat kay Tito Boy (Abunda). So, at least ‘yun, clear na. Ayoko nang dugtungan pa ng kung anu-anong salita. And ayoko nang dugtungan pa kasi parang ‘yun na ‘yun!”


Samantala, pa-Amerika naman ang tungo niya pagkatapos ng series of shows sa Canada at bumalik kaagad ng ‘Pinas noong Setyembre 5 para makapiling naman ang pamilya bago umalis ulit.


“Oo, s’yempre family time rin, so nagagawa ko pa naman lahat. Kinakailangang isiksik lahat,” sambit ni Rochelle.


Sinigurado ni Rochelle na makakadalo siya sa 49th Gawad Urian bilang nominado siya sa pagka-Best Supporting Actress para sa Child No. 82: Anak ni Boy Kana (C82ANBK).


Samantala, hindi rin naitago ni Rochelle ang hirap na maging leader ng Sexbomb.

“Ang dami namin. Lahat kami, alpha female. Para mag-lead ka sa ganitong grupo, dapat matatag ka.


“‘Di madaling mag-lead. Kasi sa natutunan ko, kasabay ng pag-lead, dapat tagasunod ka rin. Kumbaga, personal alalay ka rin, personal assistant (P.A.) ka rin. So, nag-a-assist ka rin. 


“Magkakasabay s’ya, eh. ‘Di ka lang basta nagli-lead, eh. So ‘yun, minsan, sinasabi ko sa kanila ‘pag nagdyo-joke ako, ‘Pagod na pagod na akong maging P.A. n’yo!’ Ganu’n! Hahaha!” kuwento ng Best Supporting Actress sa nakaraang 9th Entertainment Editors’ Choice Awards (The EDDYS).


Well, ang sabi, malakas ang laban niya sa Gawad Urian.

Sey ng aktres-dancer, “Sana, pero ma-nominate lang, masaya na ‘ko, okay na ako. Ibig sabihin, napansin ang performance ko. Kaya nagpapasalamat ako sa Gawad Urian at sa iba pang award-giving body na napansin ang pelikula.”






BLIND ITEM

Nagulat kami sa kumakalat na video sa socmed (social media) na isang babae ang nagsasalita tungkol sa kilalang personalidad na nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil may banta pala sa buhay nito.


Hindi binanggit ng babae ang pangalan niya pero marami siyang alam tungkol sa kilalang personalidad dahil ikinukuwento ito ng taong malapit sa kanya at kung ano ang mga plano nito.


Ang babaeng nagsasalita ay galit sa taong malapit sa kilalang personalidad dahil marami raw itong atraso sa kanya at maraming kuwentong hindi totoo kaya may mga nai-scam.


“Marami akong text messages mula kay (taong malapit sa kilalang personalidad), baka ilabas ko ‘to para magkaalamanan na. Marami kang inagrabyado,” diin ng babaeng nagsasalita sa kalat nang video.


May kinalaman daw ang taong malapit sa kilalang personalidad sa banta sa buhay niya, na ikinagulat namin dahil paano naatim ng taong ‘yun na gawan ng hindi maganda ang kilalang personalidad?


Ang dahilan ng babaeng nagkuwento ay para maging aware ang kilalang personalidad na mag-ingat sa mga lugar na pinupuntahan niya at mga nakakasama niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page